juana change music video

•Setyembre 23, 2009 • Mag-iwan ng Puna

SAKYAN ANG TAKBO NG PAGBABAGO

•Agosto 27, 2009 • Mga Puna

DRAYBER

Mula nang manirahan ako sa Manila  noong Oktubre, 1984 hanggang sa kasalukuyan, nakita ko ang bilis ng takbo ng pagbabago dito kung ating titingnan ang kapaligiran ng kalungsuran.  Dumating ako noon halos kasabay ng pagbubukas ng LRT 1, biyahe mula Baclara hanggang Monumento at Monumento to Baclaran.  Di nagtagal sumunod ang MRT, binabagtas ang kahabaan ng EDSA.  Sinundan ng LRT 2, nagdudugtong sa Recto at Santolan.  At di magtatagal, matatapos ng pagdugtungin ang Monumento at North Edsa.  Isama pa natin ang Skyway sa South super highway na di maglalaon, aabot na sa Alabang.  Kung gaano katindi ang pagpapaunlad ng daan, gayundin ang pagdami ng mga sasakyang panglupa.  Kung paano pinagsisikapang paluwagin ang daan lalo namang sumisikip ang trapiko.

Umarangkada rin ang mga naglalakihan at makabagong gusali pang-komersyo.  Umabante naman ang modernisasyon sa larangan ng teknolohiya.  Maraming pagbabago ang naganap sa ngalan ng pag-unlad.

Sa bilis nang takbo ng pagbabago, kumusta naman ang tao.  Nakasakay ba sila o naiwanan.  Kung nakasakay, nakaupo ba sa loob o nakasabit sa gilid ng mga sasakyan.  Ang ibig kong sabihin, umunlad ba ang tao.  Dahil ang pag-unlad ay para sa tao at kailangan umuunlad din ang tao sa kabuuan ng kanyang pagkatao.  Nakatulong ba ang pag-unlad ng kapaligiran sa tao o ang pag-unlad bang ito ay nagdulot ng kapahamakan sa tao.

Kung ikukumpara natin ang populasyon ng tao dito sa Pilipinas mula 1980 hanggang 2009, malaki rin ang pinagbago.  Kung hindi ako nagkakamali, ang populasyon noong 1980 ay umabot ng 74 milyon katao at ngayon ay umabot na sa 90 milyon at ang lupain ng bansa ay di naman lumalaki.

Marami pang pagbabago.  Kapansin-pansin din ang pagbabago ng klima.  Meron na tayong tinatawag na global warming.  Bunga nito, maaaring lumubog sa tubig ang ilang probinsiya. Lalo  namang magkakaroon ng krisis sa sariwang tubig.  Sinasabing 15% sa atin ay walang access sa ligtas na tubig.  Pati tubig ay malaki ng negosyo ngayon.  Kung wala kang pera, di ka makakainom o kaya kung makakainom ka naman, masasabi bang ligtas ka sa tubig na iinumin mo.  Tulad ng nangyari sa mga kababayan natin sa Mindanao na nakatira sa paligid ng banana plantation na gumagamit ng aerial spraying ang may-ari, pati inumin ng tao ay napeste kasama ang mga iba pang pananim at hayop na inaalagaan.  Di rin ligtas ang kalusugan ng mga residente.

Ano naman ang pagbabago sa ating ekonomiya?  Sinasabi ng isang palatastas sa telebisyon, “ramdam ko ang pag-asenso”, pero ilang milyong Pilipino ang namumuhay sa ilalim ng “poverty line?”  Ilang Pilipino ang halos walang makain.  Ilang milyong ang unemployed.  1 sa 4 na nagtatrabaho ay kailangan pang kumakayod higit sa isang trabaho.  Kada oras, 121 ng kababayan natin ang umaalis sa ating bansa patungo sa ibang bansa.

Maraming pagbabago.  Sa ating paglalakbay sa daan, iba’t-ibang  yugto ang ating mararanasan.  Minsan payapa, tahimik at matiwasay ang ating biyahe.  Patag at pantay ang daan. Ngunit kung minsan, kung hindi mabilis ang takbo ng ating sasakyan, lubak-lubak naman ang dinaraanan, matrapik, titirik ang sasakyan sa gitna ng daan at kung anu-ano pang sakuna ang ating mararanasan.  Makakasagupa tayo ng iba’t-ibang hamon, pagsubok at problema, ngunit isang bagay na tiyak ay tulad ng daan, gaano man ito kahaba, lalo kang magiging matatag sa pagkakakapit at pagkatutok sa adhikain na makarating sa paroroonan.  Magkakaroon ka ng kapangyarihan at lakas na abutin ang iyong pangarap at gawing makatotohanan.

Lahat tayo ay naglalakbay sa buhay.  At sa ating paglalakbay sa buhay na ito, anu-ano ba ang mga hamon at suliranin ang iyong nakakatagpo?  Anu-ano naman ang tagumpay ang maaring naghihintay sa iyo at maaari mong makamit?

Sa buhay na ito, lahat tayo ay drayber.  Kung tayo ay maglalakbay sa daan ng buhay, kailangang kilala natin ang ating mga sarili.

Meron ka bang pananaw sa buhay mo?  Ano ang pananaw na ito?  Ang pananaw mo bang ito ay magpapakilala sa iyo?

Saan ka ba patungo?

Kung alam natin kung saan tayo papunta, maisasakatuparan at maisasabuhay natin ang ating pananaw.

Nand’yan ang daan.  Narito ang ating sasakyan.  Alam natin na nakatutok tayo sa ating pangarap, pero, bakit  parang hindi natin kayang abutin ito?  Maaring natatakot tayong harapin ang mga balakid o hadlang sa ating harapan.

Anu-ano ba ang mga balakid o hadlang na ito? (maaari mong isulat sa iyong papel at pagnilayan)

-      -   -   -

Minsan o kadalasan, ang hadlang ay walang iba kundi ang ating mga sarili.

Ito ay ang “makasaraling saloobin” (selfish attitude) at “sakim na pagpapahalaga” (selfish values).

Ano ba ang ibig sabihin ng makasariling saloobin o sakim na pagpapahalaga?

Ang taong may makasariling saloobin ay walang iniisip kundi ang sarili.  Ginagamit niyang tuntungan ang tao o anumang bagay para sa pansariling interes o kapakanan.  Kung auman ang saloobin mo, sumusunod dito pati ugali at gawi.  Nagmumula sa makasariling saloobin ang kasakiman at karamutan na nagsisilbing pang-aalipin sa tao.  Lahat tayo ay nabibilanggo sa iba’t-iba at mumunting karamutan.

Malaking impluwensiya sa makasariling saloobin ay ang pag-iisip.  Lahat ng gawa ng sinuman ay nagmumula sa iniisip, binabalak at hinahangad ng may katawan.  Sa pag-iisip nagmumula ang mapanganib na saloobin.  Dito nagmumula ang maraming masasamang gawa ng tao.  Ang kasakiman o labis na pagpapahalaga sa sarili ay hindi sa mundo nagmumula.  Ang pinagmumulan nito ay ang sarili!  Una ang sarili!  Ako ang Una!  Ako muna!  Ay sa isip unang gumagalaw.

Kaya ang makasariling saloobin ay nagsisilibing balakid sa tunay na pag-unlad.

Ang isa pang napakalaking pagkabilanggo ng tao ay ang pang-aalipin ng sakim na talahalagahan.  Mas malalim ang pinag-uugatan nito kaysa makasariling saloobin bagamat magkakambal ang dalawang ito.

Ang ugat ng makasariling pagpapahalaga ay nasa puso na.  Tagos sa puso.  Ito na ang gusto ko, nais ko, at mahal ko.

Ang pagpapahalaga ay sumusunod lamang sa puso. Diyan isinilang ang mga bayani, ang mababait, ang madamayin at mga banal.  Gayon din naman, sa puso rin ng tao nagmumula ang pag-iimbot, kasakiman, pandaraya at paggawa ng krimen.  Nagiging balakid ang sakim na pagpapahalaga sa pag-unlad ng tao sapagkat hindi siya nagiging magalang sa kapwa, nagiging tampalasan siya sa buhay, sa mga iba’t-ibang  biyaya at maging sa kalikasan.

(Kaganapan ng buhay sa mundo 41 – 45)

Pero kung nais nating maisakatuparan ang pananaw, kailangang kalimutan natin ang ating sarili.  Kailangan magkaroon ng Pagbabago.  Kailangan makipagsapalaran tungo sa pagbabago.

Subalit ang tao ay takot humarap sa pagbabago.  Ayaw magbago.

Bakit?  Anu-ano ang mga dahilan?

Ang tao ay ayaw makipagsapalaran sa pagbabago sapagkat:

1. Walang katiyakan ang buhay na hahantungan.  Hindi tayo sigurado sa ating patutunguhan kung kaya natatakot tayong makipagsaapalaran.  Takot tayong magtaya o itaya ang ating mga sarili. Pinaghaharian tayo ng takot.  Takot na baka mabigo.  Takot na harapin ang mga hamon ng buhay.

2. Nakasandal sa pader.  Meron tayong nasasandigan.  Merong naghahanap buhay para sa atin kung kaya bakit pa ako magtatrabaho.  Ayaw humiwalay sa mga magulang dahil walang ibang masasandalan. Walang lakas ng loob na tumayo sa sariling paa.  Tumatakas sa kahirapan.  Ayaw nating maghirap.  Bakit?  Nahihiya ka ba?  Gusto natin ay madaling buhay.  “Instant” ‘ika nga.  Iniisip ng tao na ang pagbabago ay kawalan ng magandang buhay – buhay na sagana.

Meron din mga magulang na ayaw payagan na humiwalay ang kanilang mga anak sa kanila sapagkat nag-aalala na baka di pa kayang mag-isa ng kanilang mga anak.  Paano matuto sa buhay kung ganito ang ating mga pananaw.

3. Walang “model o huwaran”.  “Gusto kong bumait ngunit hindi ko magawa”, sabi sa isang awit.  Sapagkat wala tayong nakikitang gumagawa ng kabutihan.  Kung ano ang ginagawa ng karaamihan, kahit hindi mabuti, nakikisama na rin tayo.  At kapag gumawa ka ng mabuti, tutuligsain ka pa.

Ikaw, pwede ka bang maging huwaran ng kabutihan?  Ng pagbabago?

4. Nag-iisip na wala siyang kakayahang magbago.  Walang tiwala sa sarili.  Minamaliit ang sarili.  Walang pangarap. Baguhin ang pag-iisip.

5. Hindi na kailangan pang magbago dahil puno at puspos na at wala ng paglalagyan.

Minsan, sarado na tayo sa pagbabago dahil ang tingin naman natin sa ating sarili ay  alam na natin ang lahat.  Hindi na tumatanggap ng mungkahi mula sa iba.

6. Nag-aalinlangan sa pagbabago.  Urong-sulong sa pagbabago.  Nag-iisip na baka ako lang ang may gusto sa pagbabago.  Be different ‘ika nga.  Manindigan kung ano ang nilalaman ng iyong puso kung alam mong ito ay para sa kabutihan ng lahat.

7. Walang tiwala sa kapwa.  Kaya, ayaw magbago.  Kung di ka nagtitiwala sa iyong kapwa, parang sinasabing wala ka ring tiwala sa iyong sarili.  Malaki ang problema ng ganitong tao.  Ang tingin ng tao sa panukalang pagbabago ay isang banta sa kanyang sarili.

8. Ang paniwala ng tao na ang pagbabago ay isang masamang ideya.

Nakikita mo ba ang iyong sarili sa mga talaan na ito?  Ikaw ba ang sinasalamin nito?

Nais mo bang manatili dito?

Kaya mo bang magbago?

May Kasabihan tayo sa English na nagsasabing:

“There is nothing permanent in this world except change!”

Naniniwala ka ba dito?

Ayon kay Dewitt Jones sa kanyang dokumentaryong “Ipagdiwang kung ano ang tama sa mundo”,

“…ang mga bagay na kinatatakutan natin sa ngayon ay mga drastiko at phenomenal na pagbabago sa ating lipunan. . . . . ngunit kung tutuusin, di naman talaga ito pagbabago.  Bagong pagtingin lamang. Pagbabago para sa mga posibilidad…ang pagbabago ay isang posibilidad. At habang lalong nagbabago, dumadami ang mga posibilidad.”

Kaya mo bang sakyan ang takbo pagbabago?

Ito ang tinatawag na “Paradigm Shift” ni Thomas Kuhn, isang epistemologist and historian of science.

“Paradigm Shift, a change from one way of thinking to another.  Traditional way of thinking vs. new way of thinking.  From one fundamental view to a different view.  It’s a revolution, a transformation, a sort of metamorphosis.”

Ang pagbabago ay nagdudulot sa atin ng kahirapan, kamatayan at panibagong buhay.  Kaakibat ng pagbabago ay pagtawid.  Maraming nagaganap sa pagtawid sa ating buhay at ito ay hindi madali.

Naranasan mo na bang tumawid at makipagsapalaran sa buhay?

Ano ang iyong naramdaman?

Ano ang naging bunga nito sa iyo?

Ayon kay Dewitt Jones sa kanyang aklat na “Focus your Vision”

“Change is difficult.  Change is painful.  Change is taking a risk – doing something you wouldn’t normally do – this is how we move away from our conventions to focus and achieve our visions.  Without risk, we would never be able to take our visions to another level.  We would never be able to take that next step and make our ideas come into fruition.  If our visions don’t challenge us to take a risk, then we cannot be innovative.  Be creative.  Taking risk aids us in attaining our vision and turning them into reality.”

Harapin natin ang sitwasyon na may bagong pagtingin, na ang pagtawid tungo sa pagbabago ay isang posibilidad tungo sa paglago at pag-unlad ng isang tao.  Tanggapin natin na anumang pasakit ang dumaraan sa ating buhay ay isang grasya o biyaya na nagpapatatag at dumadalisay sa atin.

Hindi natin makakamit ang kaganapan ng buhay kung aasa lamang tayo sa sariling nating kakayahan.  Sa ating paglalakbay sa daan ng buhay na ito, makakamit natin ang ating pananaw, mga pangarap kung kasama natin si Jesus.

Salita ng Diyos:

Marcos 4: 35 – 41

Pinatigil ni Jesus ang Unos

Kinagabiha’y sinabi ni Jesus sa mga alagad niya, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya’t iniwan nila ang mga tao, at sumakay sa bangkang kinalululanan ni Jesus upang itawid siya. May kasabay pa silang ibang mga bangka.  Dumating ang malakas na unos.  Hinampas ng malalaking alon ang bangka, anupat halos mapuno ito ng tubig.  Si Jesus nama’y nakahilig sa unan sa may hulihan ng bangka at natutulog.  Ginising siya ng mga alagad.  “Guro,” anila, “di ba ninyo alintana?  Lulubog na tayo!”  Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!”  At sinabi sa dagat, “Tumahimik ka!”  “Tumigil ang hangin at tumahimik ang dagat.  Pagkatapos, sinabi niya sa mga lagad,  “Bakit kayo natatakot?  Wala pa ba kayong pananampalataya?”  Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa’t-isa, “Sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangin at ng dagat?”

Pagninilay:

Ang pagtawid na ito sa dagat ay larawan ng mararanasan nating lahat sa pagsunod natin kay Jesus.  Hindi panatag at tahimik na buhay ang iniaalok niya sa atin dahil sa malao’t madali ay kailangan tayong makipagsapalaran, magtaya at simulan ang mga bagay na bago para sa atin.  At darating nga ang unos kung kalian naman “natutulog si Jesus o kung kailan natin nararamdamang para bang pinababayaan niya tayong mag-isa.  Subalit ang krisis na ito ay kinakailangang kundisyon para makarating tayo sa kabilang ibayo na ang ibig sabihi’y sa mas matatag at mas malinaw na pananampalataya.

Nabubuhay tayo ngayon sa lipunang halos walang pag-asa dahil sa mga unos na nararanasan natin sa araw-araw.  Nandiyan ang maraming problema: pamayanan, pamilya, at maging sa sarili: graft and corruption, ang usaping charter change, extra-judicial killing, peace and order, kulang ng suporta para sa improvement ng mga kababayan natin sa probensiya, pag-aabuso sa ating kalikasan, political dynasty, pagtataksil ng asawa, pagtraydor ng isang kaibigan, intriga sa organisayon, kamatayan ng minamahal sa buhay, pagkawala ng trabaho at marami pang iba.

Kahit maramin ng pagbabago na nangyayari sa paligid natin  mabagal pa rin ang pag-usad ng pag-unlad at pag-babago. Mapapansin natin na ang kabutihang pangkalahatan ay pumapangalawa lamang sa pansariling interes.

Sa sitwasyong ganito, kailangan magkaroon tayo ng kamalayan sa ating pananampalataya na sa Panginoon lahat ay posible.  Pinagwawalang bahala natin ang ating pananampalataya.  Ipinaghihiwalay natin ang pananampalataya sa ating pang-araw-araw  na buhay.  Ibig sabihin, ang mga gawain natin ay taliwas sa pananampalatayang Kristiyano.

Subalit kay Kristo tayo makakakita ng liwanag sa gitna ng kadiliman. Paglaya mula sa kadiliman. Nasa Kanya ang kaganapan ng buhay.

Gayon pa man, sa kabila ng mga paghihirap, mayroon din naming kabutihan.  Meron mabuti sa lahat ng sulok, kahit tayo ay malimit na punain sa mga  ginagawa natin.  Ito ay napapaloob sa mga hamon sa atin.

Ano ang hamon sa atin?

Sakyan ang takbo ng pagbabago.

Maglakbay at tumawid tungo sa pagbabago.

Ito ay sisimulan natin sa ating mga sarili.

Sa ating pagtahak sa landas ng bagong buhay, kailangang matanto natin na tayo rin kung minsan ay nakadaragdag ng kasamaan sa paligid dahil sa mga desisyon na nakabase lamang sa ating sariling kapakanan.  Minsan, tayo ang sumasagisag sa lubak-lubak na daan, sira-sirang kalsada, kung kayat mahalagang pakinggan natin at pagtiwalaan ang tinig ni Hesus sa gitna ng unos “Tigil!”, “Tumahimik ka!”

Isinisigaw ni Juan Bautista “Papatagin ang mga batong kinatitisuran at papantayin ang lupang lubak-lubak.  At makikita nga lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.” (Lucas 3:5b-6)

Ang ipinahayag ni San Pablop Apostol sa mga Taga-Roma, “Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito.  Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya at ganap.”

At ano ang kalooban ng Diyos?

Sinabi ni Jesus, “Kung ibig ng sinuman na sumunod sa Akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.  (Marcos 8:34).

Ang Krus ay sagisag ng mapanligtas na pag-ibig ni Jesu-Kristo.

Tayo ay tinatawag ni Kristo upang makibahagi sa kanyang sakripisyo.  Ipinaliliwanag ng Second Plenary Council of the Philippines kung paanong sa Misteryo Paskwal:

Dinadala tayo ni Jesus sa kanyang pagtawid mula sa pagdurusa patungong kaluwalhatian, mula sa kamatayan patungo sa buhay, mula sa ating pagkamakasalanan patungo sa kanyang biyaya.  Sa Misteryong ito, kailangang makibahagi tayo bilang mga alagad niya. (PCP II 8586; KPK 575)


Ang sakim na pagpapalagay o makasariling saloobin at sakim na Talahalagahan ay ilan lamang sa mga umaalipin sa tao.  Ang balakid na ito sa pag-unlad ng tao ay nakaugat sa kasalanan na siyang pinakamalaking sagabal.  Tayong lahat ay alipin ng kasalanan.  Lahat tayo ay makasalanan.  Ang pagliligtas sa atin ng Panginoong Jesu-Kristo ay ang pagpapalaya sa atin sa tanikala ng kasalanan (1 Juan 4:10), ang pag-unlad naman ay ang nagpapalaya sa tao sa anumang umaalipin sa kanya. (Kaganapan ng buhay sa mundo 15, 124).

Sa pamamagitan ng Misteryo Paskwal (Paghihirap, Kamatayan at Pagkabuhay na Muli), si Jesu-Kristo ay lubos na nagpapalaya sa atin sa kasalanan.  Siya ang nagpapatawad o nagpapawalang sala.

Ano ba ang hinihingi sa atin ng gawaing pagtubos ni Jesus?

Tayo ay tinatawag sa pagbabagong-buhay.

Ang pagbabagong-buhay ay nangangahulugan hindi lamang ng isang gawain kundi ng panghabambuhay na proseso na paglapit kay Kristong ating mananakop, sa loob ng kanyang sambayanan, ang Simbahan, at paglayo sa mga pagkakasala at masasamang bisyo. (KPK 1789)

Ang pagbabagong-buhay ay pagtawid sa paanyaya na ang Diyos na nagmamahal sa atin ang siyang maghahari sa atin.

Ang pagbabagong-buhay ay pagtawid mula sa pagkakasala at ng mga pagkakataong naghahatid sa pagkakasala tungo sa pagpapanibago ng ating diwa sa pamamagitan ng pagkilala ng ating kasalanan, totoong pagsisisi at matatag na pagtitikang magbagong buhay. (KPK 1854)

Kaya, ang Simbahan ay nagmamalasakit na tawagin ang mga matapat sa sumasampalataya sa walang tigil na pagsisisi at pagbabago, at ipagdiwang ang Sakramento ng Pagbabalik-loob o Pakikipagkasundo.

Sa Sakramento ng Pagbabalik-loob o Pakikipagkasundo, tayo ay nakatatanggap ng pagpapatawad ng Diyos para sa mga kasalanang nagawa.  (KPK 1848)

Kailangang gumawa tayo ng desisyon.  Ang Diyos ay di makakatulong hanggang hindi natin tinatanggap ang kanyang tulong, kailangan nating pumalaot sa kailaliman ng ating kamalayan at sa kaibuturan ng ating puso kung saan nananahan ang Espiritu Santo upang ang biyaya ng kagalingan ay papanibaguhin ang ating pagharap sa sitwasyon at mga hamon at sunugin ang ugat ng makasariling saloobin at sakim na talahalagahan – ang kasalanan.  At ang pagbabagong buhay ay magiging tunay.

Hayaan nating ang Diyos ang magmaniobra sa ating buhay.

Sakyan ang takbo ng pagbabago.

Harapin natin ang bagong mukha ng buhay.

Lumapit tayo kay Jesu-Kristo sa Sakaramento ng Pagbabalik-loob.

Ito ang tama sa mundo!  Halina’t Ipagdiwang natin!

[katahimikan]

Anong pagbabago ang gagawin mo sa iyong sarili?

Panalangin:

Sa ating paglalakbay sa buhay, sa ating pakikipagsapalaran upang maabot natin ang minimithing pananaw, makakatagpo natin ang iba’t-ibang sakuna. Ngunit, huwag tayong matakot.  Huwag tayong sumuko.  Don’t give up!

Pagnilayan natin ito:

Don’t give up…..


One day I decided to quit…
I quit my job, my relationship, my spirituality. ..

I wanted to quit my life.
I went to the woods to have one last talk with God.

“God”, I asked, “Can you give me one good reason not to quit?”
His answer surprised me…

“Look around”, He said. “Do you see the fern and the bamboo?”
“Yes”, I replied.
“When I planted the fern and the bamboo seeds,

I took very good care of them.
I gave them light.
I gave them water.
The fern quickly grew from the earth.
Its brilliant green covered the floor.
Yet nothing came from the bamboo seed.

But I did not quit on the bamboo.
In the second year the Fern grew more vibrant and plentiful.
And again, nothing came from the bamboo seed.

But I did not quit on the bamboo. He said.
“In year three there was still nothing from the bamboo seed.

But I would not quit.
In year four, again, there was nothing from the bamboo seed.

I would not quit.” He said.
“Then in the fifth year a tiny sprout emerged from the earth. Compared  to the fern it was seemingly small and insignificant.

But just 6  months later the bamboo rose to over 100 feet tall.
It had spent the five years growing roots.

Those roots made it strong and gave it what it needed to survive.
I would not give any of my creations a challenge it could not handle.”
He asked me. “Did you know, my child, that all this time you have  been struggling, you have actually been growing roots”.

“I would not quit on the bamboo.
I will never quit on you.”
“Don’t compare yourself to others.” He said.
“The bamboo had a different Purpose than the fern.
Yet they both make the forest  beautiful.”
“Your time will come”, God said to me.
“You will rise high”
“How high should I rise?”  I asked.
“How high will the bamboo rise?” He asked in return.
“As high as it can?” I questioned.
“Yes.” He said, “Give me glory by rising as high as you can.”
I left the forest and brought back this story.
I hope these words can help you see that

God will never give up on you.
Never, Never, Never Give up.
For the Christian Prayer is not an option but an opportunity.
Don’t tell the Lord how big the problem is,
tell the problem how Great the Lord is!

Awit:  You Raise Me Up


When I am down and, oh my soul, so weary

When troubles come and my heart burdened be;

Then, I am still and wait here in the silence,

Until you come and sit awhile with me

You raise me up, so I can stand on mountains;

You raise me up, to walk on stormy seas;

I am strong, when I am on your shoulders,

You raise me up . . . To more than I can be. (Repeat 4X)

You raise me up . . . To more than I can be.

AKO MISMO! ANG SIMULA! ANG HIMALA!

•Agosto 18, 2009 • Mag-iwan ng Puna

nora aunor in himala

Sa aking pagninilay sa pelikulang “HIMALA”, aking napagtanto na ang inilalarawan ng mga taong maysakit, may kapansanan ay ating  bayan mismo.  Oo, ang bayang Pilipinas ay may sakit . . . . malubhang sakit.

Anu-ano ba ang sakit ng ating bayan?  Nand’yan ang “graft and corruption.”  Iba’t-ibang uri ng pagnanakaw sa ating bayan.  Nand’yan ang kawalan ng malasakit sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.  Patayan.  Sugal.  Pang-aabuso sa sarili tulad ng drug addiction, paninigarilyo, pag-inum ng alak at iba pang tulad nito.  Iba-ibang uri ng pang-aabuso sa kapwa.  Pang-aalipin.  Pagsira sa kalikasan.  Kawalan ng pananampalataya sa Diyos.  Walang disiplina sa sarili.  Imoralidad.  Kasinungalingan.  Walang pagkakaisa.  Marami pang sakit, na tulad ng kanser, unti-unti, dahan-dahang pinapatay ang bayan kong ginigiliw.

Masakit.  Walang kasingsakit.   Ang bayang ito ay tinuturing kong isang tahanan.  Ano ang iyong mararamdaman kapag nalaman mo sa kapitbahay, ang iyong ina ay kumakain ng isang simpleng hapunan sa isang karinderya kasama ang kanyang mga kaibigan sa halagang mahigit kumulang sa isang milyon?  Samantalang ikaw na anak at mga kapatid ay naghihintay ng mumo na malalaglag sa mesang kanilang pinagsasaluhan.

Isang sakit ang pagiging makasarili.  Sarili lamang ang iniisip.  Walang pakialam sa kanyang kapwa.

Sinabi ng ating Santo Papa sa kanyang “Spe Salvi” na: “Ang lipunang hindi matanggap ang mga kasaping naghihirap at nagdurusa at walang kakayahang makiisa sa kanilang paghihirap ay isang lipunang malupit at hindi makataong lipunan.”

Sino ba ang bumubuo ng bayang ito?  ‘di ba ikaw . . . ako . . . tayong lahat na mga Pilipino.

Nakikita mo ba ang iyong sarili sa mga taong maysakit sa pelikula?  Bawat isa sa atin may sariling sakit na nakakahawa.  Hindi sakit pangkatawan kundi sakit na pangkaluluwa.  At ang matindi nito, ang sakit ng kawalang pag-asa.

Kapatid, tingnan natin ang ating sarili.  Suriin natin ang ating sarili.  Anu-ano ba ang aking sakit na dinadala na nakapagdudulot ng pagdurusa ng ating bayan?  Sa ating munting pamayanan?  Sa ating pamilya?  Sa ating pinagtatrabahuhan?  Sa ating samahan?  Sa ating barkadahan?

Isa pang sakit na  dinaramdam ng ating bayan, na, kapag ikaw ay nagsasabi ng katotohanan . . . manganganib ang buhay mo . . . kung minalas, papatayin kang walang awa.

Sa  “HIMALA”, pinatay si Elsa nang ipinahayag n’ya ang katotohanang “Walng himala!  Ang himala ay nasa puso ng tao!”

At sino ang pumatay kay Elsa?

Sa palagay mo kapatid, sino . . .?

Hindi kaya ikaw . . . ako . . . bawat isa sa atin?

Muli, tumingin tayo sa ating sarili.  Paano ba tayo nakikipag-ugnayan sa ating kapwa.  Alam mo ba kung anu-anong mga salita ang lumalabas sa iyong bibig na nakakasakit ng damdamin?  Mga salitang nakakahubad ng dangal bilang isang tao.  Mga salitang nakamamatay.  Pagmumura . . . Tsismis . . . Pagsisinungaling . . . kayabangan . . . Napakatalas ng ating bibig.

Lalo na kung gamitan pa ng lakas.  Walang katuturang awayan.  Kapatid sa kapatid . . . Pilipino sa Pilipino . . . nagbabarilan . . . nagsasaksakan . . . nagpapatayan.

Dahil sa inggit . . . dahil sa pagkagahaman . . . hinihila ang kapwa hanggang sa hukay!

Dahil sa pagiging makasarili, nawawala . . . naglalaho . . . ang paninindigan.

Nang binaril si Elsa, nasaan ka ng tumumba siya?

‘Di ba nagtatakbo ka papalayo . . . mas inuna mong iligtas ang iyong sarili.  Marami sa atin ang ganito.  Sa oras ng kagipitan, hindi matagpuan.  Nagtatago.  Nawawalan ng lakas ng loob na harapin ang pagsubok.  Nasaan ang iyong pananalig?  Nasaan ang iyong pagtitiwala?  Ayaw mo pang mamatay?  Pero, ano ba ang ginagawa natin?  Hindi lamang natin pinapatay ang ating kapwa, kundi, at the end pinapatay rin natin an gating mga sarili.  “You’r such a loser, yaya” ang sabi ni Angelina [bubble gang show].

Isa pang sakit natin, ang magturuan:  “Narito ang bumaril!”

Minsan o kadalasan, magaling tayo manisi ng ating kapwa.  Pero ang aminin ang ating pagkakamali . . . kahit buking na . . . pilit pa ring tinatago, maisalba lang ang sarili.

Sinabi ng ating dating Pangulo Corazon Aquino: “I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life.”  Namatay siyang nagmamahal sa bayan sa kabila ng paghihirap na dinaranas sa buhay.

Si Elsa, namatay dahil sa pagsasabi ng katotohanan.

Tulad ni Elsa, handa ka bang mamatay dahil sa pagsabi ng katotohanan?

O patuloy kang mamuhay sa kasinungalingan?

Marami pa tayong kababayan ang nagsasabi ng totoo.  Nasaan sila ngayon?  Nilamon na ng lupa.  At kung buhay pa, maraming pang paghihirap ang dinaranas.

Lahat tayo ay tinatawag sa kamatayan.

Sa katotohanan, tinatawag tayong mamatay sa ating mga sarili.  Tinatawag tayong kalimutan muna ang ating sarili at unahin munang paglingkuran ang kapwa.  Sa paglilingkod ko sa kapwa, naipapakita ko ang aking pagmamahal.  At ang taong nagmamahal ay nagsasabing “halika, sugatan mo ang aking puso.”  Niyayakap ang pagdurusa ng kapwa hanggang maging kanyang pagdurusa.  Sa paglilinkod sa kapwa, tunay na magkakaroon ng himala.  Dahil ang himala ay nasa puso ng tao.

Oo,  ako mismo!  Ang Simula!  Ang Himala!

Magsisimula sa ating mga sarili ang kagalingan ng bayang naghihingalo dahil sa sakit.  Ako ang bagong simula.

Awit:  Bagong Simula [BayaniJuan]


I.

Pang isang gabing walang katapusan

Sa bawat mesa, asin algi ang ulam

Umaalog sa alkansya, pisong pinagpawisan.

II.

Batang nakahubad, kumot ang lansangan

Lupaing kinalbo, minsa’y nadidilig ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid

Sa kalagayang ito, tayo ay nakagapos

Parang aw asana, dito magtapos.

Koro:

Todo na ito

Liparin ang langit na bughaw

Pagningningin mga tala at araw

Mamumulang muli ang silangan

Sa bagong simula n gating bayan

III.

‘wag lang maulit, kapalarang kay pait

‘wag magpabaya, ‘wag kang manahimik

‘wag kang manlalamang, ‘wag kang mangigipit

‘wag magkanya-kanya, magkaisang bisig

IV.

‘pag malasakit, ito’y kabayanihan

Gawin mo ano mang makayanan

Kalagayan ng baya’y sumasama lamang

Kung walang gagawin, tayong mamamayan

[ulitin ang koro]

V.

Ipakita natin sa ating mga magulang

Mga kapatid, kaya natin ito

Isang subok pa (isang subok pa)

Sabay-sabay na (sabay-sabay na)

Walang kokontra (walang kokontra)

Todo na ‘to!  Todo na ‘to!

[ulitin ang koro]

-      –   -   -   -

Totoo, sa atin magsisimula ngunit magagawa lamang natin ‘yan kung tayo ay nasa presensiya ng Diyos.

Ang Diyos na nagsasabing “Ako mismo ang tutulong sa iyo”… Ako mismo ang gagabay sa iyo.”  Ako mismo ang Alpha at Omega – ang simula at wakas.”

Kung wala ang Diyos, wala tayong magagawa.

Kaya basahin natin ang Salita ng Diyos at pakinggan natin siyang nagpapahayag at nangungusap sa puso natin.

Marcos 9:2-13

transfiguration_blo

Pagbabagong-anyo ni Jesus

Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Jaime at Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok.  At nagbago ang anyo ni Jesus sa harap nila at kuminang na putting-puti ang kanyang damit, na walang makapaglalabang simputi niyon sa lupa.  At napakita sa kanila sina Elias at Moises na nakipag-usap kay Jesus.

Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi: “Panginoon, mabuti at narito tayo.  Gagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.”  Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.

At may ulap na lumilim sa kanila.  At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pakinggan ninyo siya.”  At biglang-bigla, pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Jesus na kasama nila.

At pagbaba nila mula sa bundok, inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang nakita nila hanggang makabangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay.  Iningatan nila ang bagay na ito sa kanilang sarili pero nagtanungan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga patay.

[Maikling Katahimikan]

Ano ang ipinahahayag sa iyo ng Salita ng Diyos?

Narito naman ngayon ang panibagong pagpapahayag ng Diyos na tinatanggap ni Jesus sa Pagbabagong-anyo.

Dalawang taon nang nangangaral si Jesus pero walang pag-asang masusugpo ng Israel ang karahasang naghahatid sa kanya sa pagkawasak.  Hindi makumbinsi ng mga salita at himala ang kanyang mga kababayan, kaya’t kailangang harapin ni Jesus ang puwersa ng kasamaan.  Mas magiging mabisa ang kanyang sakripisyo kaysa kanyang mga salita para pag—alabin ang pag-ibig at diwa ng pagsasakripisyo sa lahat ng mula noo’y magpapatuloy sa kanyang gawa ng pagliligtas.

Sa kanyang Pagbabagong-anyo, sinisiguro kay Jesus na malapit na siyang mamatay sa Jerusalem.  Binigyan din siya ng patikim ng Pagkabuhay.

Ang kwentong ito ay mula kung saan ipinahayag at kinilala ng isang apostoles ang katotohanan tungkol kay Kristo bilang Anak ng Tao sa Caesarea Philippi.  Inilalarawan ng karanasang ito mula sa Sinai – ang paglilim ng alapaap, ang bundok, ang presensiya ni Moses, ang kubol. At mula sa pagpapakita ni Jesus sa Daniel, Ezekeil, Esdras, Enoch – ang pangitain, ang presensiya ni Elias, ang takot, ang maningning na kasuotan, ang tagubilin ng huwag ipagsabi, ang pakikipag-usap.  Ang pagbabagong anyo ni Jesus ay may pagkakahalintulad sa binyag ni Jesus (ang tinig) at Gethsemane story (3 apostles, the bundok, ito ang pinakamamahal kong anak, pakinggan ninyo siya, hindi nauunawaan ng mga apostoles ang sinasabi ni Jesus.

May dahilan kaya bakit isinama ni Jesus ang tatlong apostoles at umakyat sa bundok na sila lamang ang kasama gaya ni Moises na umakyat din sa Bundok Sinai para makatagpo ang luwalhati ng Diyos.  May ilang kundisyon ng pag-iisa ang naghahanda sa tao para matanggap ang pagpapahayag ng Diyos.

Sino si Jesus? Nasagot na ni Pedro ang tanong na ito, pero ngayon, ang Ama mismo ang nagbigay ng sagot.  Si Jesus, ang Anak, ang Minamahal.  Si Jesus ang Hinirang o Tagapagligtas na ipinahayag ng mga propeta.

Pinuntahan si Jesus ng dalawang pinakamahalagang tauhan sa Bibliya, sina Moises at Elias.  Maraming beses ng nagsalita ang Diyos at sa iba’t-ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, ngunit ibinigay n’ya ngayon ang lahat na pwedeng ibigay sa atin sa pagpapadala sa Kanyang Anak:  “Pakinggan ninyo siya”, bilang Propeta.  Papakinggan natin ang nagpapakilala sa Ama at nagtutulak sa atin na makipagkasundo sa kanya.  Kailangan nating making ng mabuti sa kanya tulad ng ginawa ng mga apostol.

At nililiman sila ng isang alapaap na naglalahad at nagkukubli ng mahiwagang presensiya ng Diyos.

Sa pagbabagong-anyo, isang sulyap sa buhay at luwalhati ni Jesus ang ibinigay sa mga apostol.  Waring naging isang karanasan sa Diyos.  Napakatindi nito kaya’t nais nilang manatili doon, “Panginoon, mabuti at narito tayo.  Gagawa kami ng tatlong kubol.”  Gusto nilang manatili doon na si Jesus lamang ang kasama.  Nadiskubre nila na kayang punuin ng Panginoon ang kanilang buhay.

Sa movie clip na Himala, sa isang bundok din naganap ang pagpapahayag ni Elsa.  “Walang himala!  Ang himala ay nasa puso ng tao!”

Ano ang sinasagisag ng bundok?

Kapag si Jesus ay umaakyat sa bundok, siya ay mananalangin.  Kung kaya, ang tagpong pagbabagong-anyo ni Jesus ay nasa konteksto ng panalangin.

Ang puso ay nangangahulugan din “loob” o “core”.  At sino ang nasa loob natin?  O sino ang pinaka-core natin?  Walang iba kundi ang Diyos.  Sapagkat tayo ay Templo ng Espiritu Santo.  Ibig sabihin, ang Diyos ay nananahan sa atin.  Ito ang tinatawag na grasya.  Nararanasan ko ang presensiya ng Diyos.  Kung kaya, kapag nagdarasal tayo, pumapasok tayo sa loob upang makaniig at makikinig sa Diyos na nangugusap sa atin.  Ang HIMALA ay nasa puso ng tao.  Tanging ang Diyos lamang ang makakagawa ng HIMALA.  Siya ay nasa puso natin.

Kaya, ano ang sinasabi ng Ama?

“Pakinggan ninyo siya!”

Hindi lamang tayo inaanyayahan makinig kundi inuutusang makinig, marahil, sa katigasan na rin ng ulo o puso natin.

Saan natin pakikinggan si Jesus?

Mapapakinggan natin si Jesus sa panalanging pananahimik.

Kadalasan, kapag tayo ay nagdarasal, wala tayong ginawa kundi ang magsalita ng magsalita.  Halos wala tayong panahong manahimik.  Bakit tayo mananahimik sa panalangin?  Upang ang Diyos naman ang magsalita sa atin.  Hindi makapagsalita ang Diyos sa atin sapagkat kapag tapos na tayong magsalita, aalis na tayo at iiwanan na natin ang Diyos.

Sa panalangin, nagbagong-anyo si Jesus.   Sa palagay ko, sa tuwing si Jesus ay nagdarasal, siya ay laging nagbabagong-anyo.  Ngunit sa pagkakataong ito, nakita siya ng tatlong apostoles.

Nananalangin ka pa ba?

Kung oo, ano naman ang epekto ng panalangin sa iyo?

Meron ba?

Sa panalangin, unti-unti tayong binabago ng Diyos.

Kung walang pagbabagong nagaganap sa iyo, bakit?

Gaano ka ba kadalas makinig sa Diyos?

At isinasabuhay mo ba ang iyong napakikinggan?  ang kanyang turo?

Tulad ng tatlong apostol, madidiskubre natin ang isang masayang karanasan sa piling ng Diyos sa panalangin at maaaring masabi pa natin ang sinabi ni Pedro: “Panginoon, dito na lang tayo, magtatayo kami ng kubol.”  Ito ang kagalakang nadarama nina Pedro sa piling ng Diyos.  At ito rin nawa ang maranasan natin sa tuwing nananalangin tayo.

Ang patikim na luwalhati ni Jesus ay ang Paghahari ng Diyos.  Na kahit dito pa lang sa lupa ay mararanasan na natin ito kung makikiisa tayo kay Jesus.

Sa pagbabagong-anyo ni Jesus, hindi paraiso sa lupa ang inihanda ng Ama para sa atin kundi inaalok tayong magdusang kasama ng kanyang Anak para mabago niya tayo kahit sa buhay na ito sa paraang mahimala para sa atin.

Kung tutuusin, hindi kailangang maghirap ni Jesus.  Pero, bakit inako n’ya ang pagdurusa, sapagkat nais niyang makaisa tayo.  Sinamahan niya tayo sa ating mga pagdurusa at sakit.  At ito rin ang nais niyang gawin natin sa isa’t-isa.  Makiisa sa pagdurusa ng kapwa.

Sa ating pagbabagong-anyo, hayaan nating gumalaw o kumilos sa atin ang Diyos tulad ng isang “metamorphosis”.  Sa loob ng pupae, sa loob ng halos tatlong lingo, walang ginawa ang uod.  Ngunit, pagkalipas ng ilang raw, napakagandang paru-paro ang lumabas.

Itinalaga na tayo ng Diyos na “maging tulad ng kanyang Anak” (Ro 8:29).  Kung gayon, sinasabi sa ating “Ang Panginoong Jesu-Kristo ang paghariin ninyo sa inyong buhay” (Ro 13:14), “magpakababa kayo tulad ni Kristo Jesus” (Fil 2:5), upang tayo ay mabago “sa ating anyo . . . hanggang sa maging mistulang larawan niya” (2 Cor 3:18).  Mithiin natin ang makapagsabi kasama ni San Pablo “Namatay na akong kasama ni Kristo sa Krus.  At kung ako ma’y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin (Ga 2:19-20) [CFC 1486].

Ano ba ang nakakasagabal sa ating pagbabago?

Walang iba kundi ang ating mga kasalanan.

Ang tao ay may hangganan at sapagkat wala isa man sa atin may kakayahang tanggalin ang kapangyarihan ng kasamaan, ang kasalanan kung saan, patuloy na nakikita natin, na siyang pinagmumulan ng mga pagdurusa.  Tanging ang Diyos lamang ang may kakayahang gumawa nito:  tanging ang Diyos na personal na pumasok sa kasaysayan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao at nakaranas ng pagdurusa.  Nababatid natin na ang Diyos ay nabuhay, kung kaya itong kapanyarihang “nag-aalis ng mga kasalanan sa sanlibutan” (Jn 1:29) ay naroroon sa mundo.

Tungkulin nating mga Kristiyano ang pagbabagong-loob o pagbabagong-buhay.

Ang pagbabagong buhay ay isang panghabambuhay na proseso ng paglapit kay Kristong ating Mananakop, sa loob ng kanyang sambayanan, ang Simbahan (CFC1789).  Ang Simbahan ay nagmamalasakit sa pamamagitan ng pagtawag sa atin sa walang tigil na pagsisisi at pagbabago, na siyang humihikayat sa atin na aminin ang ating mga kasalanan nang may taos sa pusong pagsisisi, ipagdiwang ang Sakramento ng Pakikipagkasundo, at dumalo sa mga pagdiriwang ng pagsisisi. (CFC1780)

Ang tunay na pagbabalik-loob ay nangangailangan ng panahon at kailangan natin ang tulong ng ating pamilya, mga kaibigan, at mga kapatid sa ating Kristiyanong sambayanan upang palakasin tayo sa ating personal na pagsisiskap na tumalikod sa pagkakasala, pagkamasarili, kayabangan, at bumaling kay Kristo at sa Diyos na ating Ama (CFC 1796).

Ang tunay na Kristiyanong pagbabagong-buhay – pagbubuong muli ng ating ugnayan sa ibang kaanib ng pamayanan.  (CFC1796)

Mga Dimensiyon ng Ganap na Pagbabagong-buhay ng Kristiyano (CFC 1797)

1.  moral na pagbabagong buhay – pagtalikod sa makasariling pagsisiskap na tugunan ang ating mga pangangailangan, tungo sa mapagmahal na paglilingkod sa kapwa.

2.  pandamang pagbabagong buhay – sa pagbabagong-buhay ay kasangkot ang ating damdamin, emosyon at imahinasyon upang itaguyod ang isang mapagbigay na pagmamahal na malabanan ang mga tuksong humusga, labis na amor propio, sobrang pagkamaramdamin, pagkamuhi at kapalaluan.

3.  kaisipang pagbabagong-buhay – ang pangdama ay tatagal lamang kung nakasalig ito sa paraan ng ating pang-unawa at pagpapasya sa pangunahing kahulugan at kahalagahan n gating buhay.

4.  panrelihiyong pagbabagong-buhay

Makakatulong din sa ating pagbabagong-loob ay ang:

Paghubog at pagsunod sa kunsensiya.

Ang Kunsensiya ay ang kakayahan kilatisin kung ano ang moral na mabuti laban sa masama.  Kasma dito ang damdamin ng obligasyon: dapat nating gawin ang mabuti at iwaksi ang masama (Fr. Joseph Roche, SJ)

May kinalaman ang kunsensiya sa katinuan nating “nagsisikap na malaman” kung ano ang “dapat” “gawin”.

Ang Mabuting kunsensiya ay ginagabayan ng tunay na pananampalataya, sapagkat ang pagmamahal ay nagmumula din “sa pusong malinis at mabuting kunsensiya at tapat na pananampalataya”   (CCC1794)

Obligasyon nating Hubugin ang Kunsensiya (CCC 1783-1785)

-  Lagi nating dapat sundin ang kunsensiya sapagkat lagi nating tungkuling hubugin ito!

-  Ang pagbibigay edukasyon sa kunsensiya natin ay gampaning panghabambuhay

-  Ang pagbibigay edukasyon natin sa kunsensiya ang nagpapalaya sa atin at naghahatid ng kapayapaan ng ating puso

Inuulit ko, ang pagbabagong—loob ay isang proseso.

Ngunit, simulan natin sa maliit.

Manahimik tayo sandali at pagnilyan natin ang video na ito:

Video clip: chalo india chalo.


Magbigay ng konkretong gagawin mo tungo sa pagbabago ng sarili at isulat sa komento o papel para magpaalaala sa iyo.

Ako Mismo (specific, realistic, attainable)

________________________________

________________________________

——————————————————————————————————-

CCC – Catechism of the Catholic Church

CFC – Catechism for Filipino Catholics

NAIS KO MAGING BANAL

•Hulyo 26, 2009 • Mag-iwan ng Puna

BANAL

Ano ang iyong pangarap sa buhay?

Noong ako’y madalas nakatutok sa kahong nagsasalita, isang pantimpalak pambata ang sa tanghali ang madalas itanong ito: ano ang gusto mong maging paglaki mo?

Karaniwang naririnig kong sagot ay nais nilang maging doctor, lawyer, engineer, titser at artista.  Halos ganito rin ang nais marating ng mga batang aking tinuturuan sa mababa at mataas na paaralan.

Noong ako’y bata pa, marami rin akong mga pangarap sa buhay.  Gusto kong maging sikat na pintor sa buong mundo.  Mahilig kasi akong magdrowing.  Kadalasan sa lupa.  Kung gaano kalawak ang “natad” namin, ganun din kalaki ang ginuguhit ko.

Habang unti-unting nadadagdagan ang edad ko, lalong dumarami ang aking mga nais abutin sa buhay.  Binalikan ko ang mga sinulat ko noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo.

Tutal libre naman ang mangarap. Nangarap akong sumali sa mga grupo ng mananayaw.  Gusto kong maging manunulat, mang-aawit, ilustrador, direktor ng pelikula, at lahat ng may kinalaman sa sining.  Pinagarap kong maging pari at maging monghe.  Ninais ko ring magkaroon ng mga bagay tulad ng magarang kotse, at malapalasyong bahay.  Balang araw, gusto ko magkaroon ng isang retreat house at isang ampunan ng mga bata’t matatanda.  Naroroon din ang pagnanais kong maikot ang buong mundo.

Sa ngayon, isa akong katekista na kailanman di sumagi kahit sa aking panaginip.  Kahit ako’y katekista na, patuloy pa rin akong nangangarap.

Sa aking karanasan sa pang-araw-araw na buhay, marami akong napapansin sa aking paligid, at sa mga pakikisalamuha sa aking kapwa.  Kahit naabot na nila ang pangarap nila noong bata pa sila, hindi pa rin nawawala sa kanila ang pangarap.  Ngunit, kakaiba sa ngayon.  May pera o wala, gusto nilang maging maganda sa paningin ng mga tao sa paligid.  Kung kaya makikita mo sila sa mga parlor pampaganda.  Hindi lamang maging unat ang buhok, gusto pa’y iba’t-ibang kulay.  Kahit hindi naman bagay, patuloy pa rin dahil ito ang “in”.  Gustong pumuti ng mga maiitim at yong maputi ay gusto namang maging kayumanggi ang kulay ng kanilang balat.  Sila ay bumubili ng mga likidong panghaplos sa buong katawan maliban pa sa gamot na iniinom.  Merong nagpapabago ng mukha, nagpapatangos ng ilong, nagpapabanat ng balat para magmukhang bata kahit otsenta anyos na. Iyong iba naman, gusto maging matumbok di lamang ang kanilang dibdib kundi pati rin “buttocks”.  Ang mga mataba, gusto pumayat at ang payat ay gusto namang tumaba.  Ang mga pandak, gusto naman tumangkad.

Meron din namang mayaman na, gusto pa ring yumaman ng yumaman.  Kung kaya, kahit maling paraan ay ginagawa upang maabot lamang ang mga pangarap.

Hindi rin ako naiiba sa kanila.  Minsan, nagpapadala rin ako sa mga inilalako ng telebisyon, ng mga posters at iba pang print ads.  Nakakabighani naman kasi ang mga pangako.  Ligaya ang dala.  Lalo’t magpapakita pa ng mga modelo para maging kapakapaniwala.  Gastos dito, gastos doon.  Sa bandang huli, bigo pa rin sa pinapangarap.  Lalong magpapalungkot kung patuloy na tatalikuran ang katotohanang wala palang dapat baguhin sa aking anyo.

Noong ako ay hindi pa katekista, tinanong ko ang Diyos isang gabi:  Panginoon, ano ang gusto mo para sa akin?

Kinabukasan, nalaman ko ang kasagutan.  Niyaya akong maging katekista.  At sumagot naman ako ng “oo”.

Ikaw, nasubukan mo na bang tanungin ang Diyos kung ano ang pangarap niya sa’yo?

Noong ako’y katekista na, muli kong tinanong ang Diyos:  Panginoon, ano ang pangarap mo para sa akin?

Nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng Banal na Kasuluatan.

Ayon sa Ebanghelyo ni San Mateo 5:48, sinabi ni Jesus, “Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.”

(katahimikan)

Wow!  Ang pangarap ng Diyos sa akin, ako ay maging ganap tulad ng aking Ama sa langit.  Ito ang tawag sa kabanalan.  Tinatawag ako ni Jesus na maging banal.  Walang kasing saya ang aking nadarama.  May concern sa akin si Jesus.  Mahal ako ng Ama kaya’t marapat lamang na siya ay aking tularan.  Ang Diyos na lumikha sa akin ay banal.  Ginawa n’ya akong kawangis at kalarawan n’ya.  Kung ganun, nilikha n’ya akong isang banal.

At hindi lamang ako ang tinawag na maging banal, kundi ikaw rin, kayo rin, tayong lahat.  Sinasabi sa Catechism for the Catholic Church “All Christians in any state or walk of life are called to the fullness of Christian life and to the perfection of charity.  All are called to holiness” (2013).  Kung gayon, bata man o matanda ay tinatawag sa pagpapakabanal.  Lalaki man o babae.  Mayaman man o dukha.  Maganda man o panget sa paningin ng tao.  Anuman antas ng edukasyon ang inabot.  Maging ikaw man ay doctor, abogado, eninyero, titser o artista, dyanitor, drayber, ina, ama, may asawa o wala.  Kahit ikaw ay presidente ng isang bansa o kahit senador o kongresista, gobernador o mayor, kapitan ng isang baryo o konsehal, ay tinatawag sa kabanalan.

Kaya mali na sabihing “hindi na uso ang pagpapakabanal.”

Ang tawag sa kabanalan ay isang regalo mula sa Diyos.  Ito ay kusang loob n’yang ibinibigay.  Isang biyaya.  Ito ang presensiya ng Diyos sa aking buhay.

Ang tawag sa kabanalan na ito ay hindi lamang nangangahulugan na meron tayong pusong puno ng pag-ibig kundi ang kakayahang unawain ang iba.  Sapagkat habang hinuhusgahan natin ang ating kapwa, naaapektuhan din ang ating pagmamahal sa kanila.  Sa daigdig na ito, ang lahat ay may puwang.  At lahat tayo ay pinapatnubayan ng Diyos para sa kapakanan ng lahat.  So, may kaugnayan pala ito sa ating paglilingkod sa ating kapwa.  At kung matutunan natin na ibahagi kung anuman ang meron tayo,  mararating natin ang pinapangarap ng Diyos na maging ganap tulad niya.  Hindi ko pwede sabihing mahal ko ang Diyos, pero hindi ako naglilingkod sa aking kapwa.  At hindi ko rin pwedeng sabihing minamahal ko ang aking kapwa pero hindi ako nagsisimba at nagdarasal.  Ang pagmamahal sa Diyos ay naipapakita sa pagmamagitan ng paglilingkod sa kapwa.  Ito ang kalooban ng Diyos.

Sa aking pagbabasa ng mga talambuhay ng mga santo’t santa, wala silang pinangarap kundi ang maging tapat sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Kung ako ay katekista, maging tapat ako sa aking ginagawa.  Kung ikaw ay titser, maging tapat ka sa iyong pagtuturo.  Kung ikaw ay isang doctor, maging tapat ka sa iyong panggagamot.  Kung ikaw ay namumuno sa atin pamahalaan, maging tapat kang pinuno at paglilingkod sa bayan.  Kahit ikaw man ay kusinero, labandera, dyanitor o estudyante, maging tapat ka sa iyong tungkulin.  Ito ay magbibigay sa atin ng maayos na pamumuhay.  Mararanasan natin ang kaganapan ng buhay.

Sabi nga ni Cardinal Rosales sa Pondo ng Pinoy:  “Anumang maliit basta’t malimit ay patungong langit.”  Wala sa laki ang paggawa.  Kahit maliit man ang iyong ginagawa basta naroon ang pag-ibig, tiyak patungong langit.  At ang pagtangkilik sa Pondo ng Pinoy ay magdadala sa atin sa kabanalan sapagkat ginagawa natin ito bilang pagmamahal sa Diyos at paglilingkod sa kapwa.

Hindi natin magagawa ang lahat ng ito kung tayo ay nakahiwalay sa Diyos.  Ang Diyos ang magbibigay sa atin ng lakas upang magawa natin ang kanyang kalooban sa pamamagitan ng patuloy na pakikiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at panalangin.  Ang gawaing magpabanal ay gawain ng Diyos.  At ang unang hakbang upang tayo ay maging banal, ay magkaroon ng pagnanais na maging banal.

Kung nagnanais kang maging banal tulad ko, kailangan nating sumunod kay Jesus.  “Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin.” (Mateo 16:24)

Kailangan talagang may sakripisyo.  kailangan munang dumanas ng paghihirap bago maabot ang tagumpay.  Sabi nga:  “No glory without the cross”.  “No pain, no gain”.

Kung nagnanais kang maging banal, kailangan mo munang mamamatay!

Nais mo bang maging banal?

Handa ka bang sumunod kay Jesus?

Handa mo bang itakwil ang iyong sarili at ialay ang buhay sa kapwa?

Handa ka na bang mamamatay?

Panginoon,

Salamat sa iyong tawag sa kabanalan.

Sa mga pagkakataong hindi kami nagiging tapat sa iyong kalooban, hindi kami karapatdapat na maging banal.  Ngunit, Panginoon, wala kang sawang nag-aanyaya na kami ay maging ganap tulad ng iyong Ama.

Nawa’y tulad mo, makasunod din kami ng buong kapatatan sa kalooban ng Ama.

Hinihiling po naming ito sa iyong ngalan.  Amen.

Luwalhati sa Ama, . . .

DAKILA ANG NAGLILINGKOD NG MAY KABABAANG-LOOB

•Hulyo 25, 2009 • Mag-iwan ng Puna

BANDILA

MATEO 20:20-28

Para sa mga ina, naranasan mo na bang makiusap para sa inyong anak?

Para sa mga anak, naranasan mo na bang ipakiusap ka ng iyong ina?

Kung oo, ganito rin ang ginawa ng ina nina Jaime at Juan.

20 Lumapit noon kay Jesus ang ina nina Jaime at Juan kasama ang dalawang anak, at lumuhod sa harap niya para makiusap.

Lumalapit tayo sa tuwing may pangangailangan.

Ang lumapit pa lang ay mahirap ng gawin, lalo na kung luluhod pa para lang makiusap.

Ganito ipinakita ng ina nina Jaime at Juan ang kanyang pagmamahal sa kanila.

Sa ating mga Pilipino, karaniwan na rin ang lumalapit sa oras ng kagipitan.  At sa tindi ng pangangailangan, nakukuha pa nating lumuhod upang pagbigyan lamang ang ating kahilingan.

Bakit kaya ina at hindi ama ang ginamit sa tekstong ito.

Sa ating kultura, ang ina ang ilaw ng tahanan.  ang ina ang siyang tagapangalaga ng kanyang mga anak at madalas kasama ng mga anak.  At ang mga ama ay naghahanapbuhay para sa pamilya.  Kung kaya alam ng ina kung ano ang pangangailangan ng mga anak.  At ang ama, tagapag-abot kung anuman ang mga pangangailangan ng mag-anak.  At gagawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang anak kahit magpalimos ay gagawin niya.  May malambot siyang puso.  Madaling maawa.  Ang ama, tulad ng isang haligi, may katigasan ang puso. “Lalaki ako!  Bakit ako lalapit at luluhod!”  Baka nga naman makabawas ng pagkalalaki.

Maliban na lang kung siya ay isang pulitiko.

Sa panahon ng eleksiyon, hindi lamang ang paglapit at pagluhod ang kaya niyang gawin.

Kaya n’ya rin ang maging sirkero, kumanta at sumayaw, kumain ng apoy at tumulay sa alambre, makuha lang ang boto natin.

Sa panahon ngayon, nasaan na ang mga ina?

Hayun, nasa ibang bansa, nagtatrabaho bilang domestic helper.  At ang ama ang siyang naiiwan sa bahay.

O kaya naman, sabay silang naghahanapbuhay   Hanggang nawalan na ng panahon para sa kanilang mga anak.

At ang mga anak, di na nila mararanasan ang naranasan nina Jaime at Juan na may isang ina na nalalapitan at nakakausap.

Kapag ang isang tao ay lumapit at lumuhod, ang katangiang kanyang ipinapakita ay kababaang-loob.  Ang taong may kababaang loob ay hindi mayabang.  Hindi mapagmataas.

Kapag ganito ang taong lumapit sa iyo, at sobrang kulit, tiyak na hindi mo siya tatalikuran.  Bibigyan mo siya ng pansin.

At ganito nga ang ginawa ni Jesus sa inang lumapit sa kanya.

21 Tinanong siya ni Jesus:  “Ano ang ibig mo?”  At sumagot siya:  “Narito ang dalawa kong anak.  Iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong Kaharian”.

Napakaganda ng attitude na ipinakita ni Jesus.  Madarama mo ang kanyang pagiging compassionate.  Nadarama n’ya ang damdamin ng isang ina sapagkat meron din siyang isang ina.

Tayo kaya, ganito rin ba ang ating gawi kapag may lumalapit sa atin?  O baka nakita pa lang natin siyang lumalapit, umiiwas na tayo.  O kaya naman, tatanungin natin ng ganito:  “Bakit?”

Di ba nakaka-embarrass naman lalo na kung ang mukha mo ay hindi madrowing.

May ganito akong karanasan noong ako ay nasa kolehiyo pa.

Lumapit ako sa isa kong professor na babae.  Lumapit ako para magpapirma ng clearance.  Back to school kasi ako noon.  Siya ang unang nabungaran ko kaya sa kanya ako lumapit dahil naging titser ko naman siya sa subject na Spanish (nawala na ngayon).

Siyempre, nagpakilala muna ako kahit alam kong nagkasama na kami.

At ganito ang sagot niya:  “Wala akong kilalang Barbadillo”, sabay bukas ng pamaypay na inirapan ako.  OMG!  Feeling ko that time, gusto kong lamutakin ang mukha nya.  Hindi ko na naipagpatuloy pa ang susunod na sasabihin ko dahil naunahan na ko ng takot at pagkapahiya.  Titser ka pa naman, sa loob-loob ko.  Talagang kalait-lait siya.  Kung tutuusin, di naman talaga siya marunong mag Espanyol at wala akong natutunan sa kanya.  Kung gaano kapangit ang ugali nya, ganun din ang hitsura niya.  Buti na lang nakalimutan ko ang name nya.

Nang lumingon ako sa likuran ko, andun ang isa kong professor.  Na nang makita ako, kahit malayo pa, nakangiti na.  Kaya lumipat ako sa kanya at dun ako nagpapirma.  Nagkakwentuhan pa kami.

Kaya, nang ako’y naging guro, sabi ko sa sarili ko, magiging accommodating ako sa mga mag-aaral, sa mga parents at sa lahat ng makakaharap ko.  Hindi ko sila pahihiyain.

Pero, minsan, may mga tao naman talaga na hindi marunong makiusap.

Hindi mo alam kung nakikiusap o nag-uutos.

Tuald ng ina nina Jaime at Juan.  Sabi n’ya: “Iutos mong . . . “

Parang nagdidikta o nagdidikta talaga.

Ganito ka rin ba?

Nagagalit pa kapag hindi pinagbibigyan.

Kapag hindi makuha sa luhod at pakiusap, pumapasok ang panunuhol.

At kung mahina ka, magpapadala ka sa kinang ng salapi at kapangyarihan at katanyagan.  At kung ayaw mo pa pumayag . . . bang!  Isang bala ka lang.

Minsan o kadalasan, ganito tayo kapag lumalaapit kay Jesus sa panalangin.

Panginoon, bigyan mo ako ng ganito…

Panginoon, gusto ko ng ganito . . .

Panginoon, pagalingin mo po ako . . .

Etc. ect. etc.

Hindi tayo marunong humingi.  Hindi tayo marunong makiusap sa Diyos.

Inuutusan natin ang Diyos.  Dinidiktahan natin ang Diyos.

Sinusuhulan pa natin ang Diyos.

Kaya ano ang nangyayari kapag hindi napagbibigyan ang ating hinihingi sa Diyos?

Di ba, nagagalit pa tayo sa kanya.  Di ba tumatalikod tayo sa kanya.  Di ba hindi na tayo nagdarasal.  Nawawala ang ating pananampalataya.

Gusto ng ating Panginoon na magsalita sa atin, pero ano ginagawa natin, iniiwan natin agad siya.  Hindi tayo marunong manahimik kapag nagdarasal.  Kaya hindi natin nalalaman ang kalooban ng Diyos.

Maingay siguro ang nanay nina Jaime at Juan.  Maaari, dahil kapag ang anak ang pinag-uusapan, huwag ka, lumalabas ang pagkabungangera ng mga nanay.  Dahil ang binalingan ni Jesus ay ang magkapatid.  O baka ang dalawang magkapatid ang nag-utos sa kanilang ina para sa kanilang mga ambisyon kaya sila ang kinausap ni Jesus.  O, ang ina ang ambisyosa para sa kanilang anak.  Hindi natin alam sapagkat hindi naman nasusulat.

Ang mahalaga, ang sinabi ng ina:  “Narito ang dalawa kong anak”.  Inilapit ng ina kay Jesus ang kanyang mga anak.  Ilang ina o ama pa kaya ang ganito?  Dinadala ang kanilang mga anak kay Jesus.  Ipinapakilala si Jesus sa kanyang mga anak.  May mga magulang na ayaw nilang magpari ang kanilang mga anak.  May mga magulang na kung ano ang gusto nila sa anak, ‘yon ang masusunod.  Hindi nila hinahayaan na magdesisyon ang kanilang mga anak para sa kanilang sarili.  At the end, malungkot ang anak.  Naging magulo ang pamilya.

Dahil naituro na ng ina ang dalawang anak kay Jesus, kaya,

22 Sinabi ni Jesus sa magkapatid:  “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinom ba ninyo ang kalis na iinumin ko?”  Sumagot sila: “Kaya namin.”

Ang galing ng ginawa ni Jesus.  Bagamat may hinihingi ang ina nina Jaime at Juan para sa kanyang mga anak, tinanong pa rin ni Jesus ang magkapatid kung ano ang damdamin ng dalawa.  Hinayaan ni Jesus na ang magkapatid ang magdesisyon para sa kanilang sarili at hindi ang ina.

Totoo ang sinasabi ni Jesus.  Minsan, lumalapit tayo sa kanya na hindi natin nalalaman ang ating hinihingi.  Bakit?  Sarili lamang kasi ang ating iniisip.  Puro pakabig at hindi palabas.

“Maiinom ba ninyo ang kalis na iinumin ko?”  Tinutukoy ni Jesus ang kanyang paghihirap at kamatayan na kanyang haharapin.

Kaya mo bang makiisa kay Jesus sa kanyang paghihirap at kamatayan?

Kaya mo bang ialay ang buhay mo para sa iyong kapwa?

Kaya mo bang kalimutan ang sarili mo para kay Jesus?

Kaya mo bang masugatan ang iyong puso alang-alang sa pag-ibig?

Masasagot ba natin si Jesus tulad ng sinagot nina Jaime at Juan na “Kaya namin”?

Firm decision.  Hindi nila sinabi, “kakayanin namin.”  Kasi, paano kung hindi kakayanin, bibitiw na ba?

Magiging tapat pa kaya tayo kay Jesus kapag nakaranas tayo ng mga paghihirap sa buhay?

Ang ating paglapit kay Jesus ay nangangahulugan na handa tayong pasakop sa kanya.

Mula noong tayo ay nabinyagan, ang buhay natin ay isa nang pakikiisa sa buhay ni Jesus.

23 Sumagot si Jesus:  “Totoong iinom din kayo sa aking kalis, ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa.  Para sa mga hinirang ng Ama ang mga lugar na iyon.

Wala sa kadakilaan o katanyagan at kapangyarihan ang tagumpay ng kanyang Kaharian kundi sa pagsunod sa landas ni Jesus.

Maaaring mapulaan natin sina Jaime at Juan tulad ng ginawa ng sampu . . .

24 Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid.

pero, nakikita nyo ba ang katapatan nina Jaime at Juan kay Jesus?

25 Kaya tinawag sila ni Jesus at sinabi:  “Alam ninyo na sinusupil ng mga naghahari  ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan.

Ganito ang mundo . . .

May mga naghahari at mga nasa kapangyarihan . . .

Hindi ba sila ang mga lider?  Mga pinuno?

Ano ba ang pinuno?  Paano ba ang maging pinuno?

Paano ba kumukilos ang mga pinuno: pinuno ng isang samahan, pinuno ng isang pamilya, pinuno ng isang barangay, pinuno ng isang lungsod, pinuno ng isang bansa?

Kung gusto mong pamunuan ang isang bayan, huwag kang pabigat sa bayan.

Pinamumunuan mo ang bayan at hindi mo pinagpagtiis.

Huwag kang magmataas dahil sa iyong kapangyarihan.

Alalahanin mo, meron pang mas mataas at mas makapangyarihan pa kaysa iyo.

Marami ang lalapit, luluhod at makikiusap na pulitiko sapagkat kailangan nila ang boto natin.

Suriin natin ang kanilang mga intensiyon.

Matuto tayo sa ating mga karanasan.

Lumalapit ba sila kapag naka upo na?

O tayo ang naninikluhod sa harap nila?

Kailangan pa bang gawin ito kung ginagawa nila ang kanilang tungkuling maglingkod?

Kaya natin na baguhin ang sistema ng pamumuno sa ating bansa.

At upang maranasan natin ang Kaharian ng Diyos . . .

Pakinggan natin ang kalooban ng Diyos.

26 Hindi naman ganito sa inyo:  ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod sa inyo.

Sino ang naglinlingkod?

Sino ang pinaglilingkuran?

27 ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo.

Kung nais mong maging dakila, matuto kang magpakumbaba.

Kung gusto mong mamuno sa bayang Pilipinas, matuto kang kalimutan ang sarili mong agenda at bumaling ka sa agenda ni Jesus para sa iyo.

Maging tulad ka sa isang alipin.

Mapagpakumbaba.  Bukas ang loob.  Naglilingkod.  Masunurin.  Tapat.

Ang namumuno ay maging alipin.  Hindi ka amo na kailangan paglilingkuran.

At upang magawa natin yan, ang ating tutularan ay si Jesus.

28 Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kaanyang buhay bilang pantubos sa marami.”

Pumarito si Jesus para maglingkod ang ang kanyang kusang-loob na pagkamatay niya ang magiging paglilingkod niya sa sangkatauhan.  “Nagpakababa siya at naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus.” (Fil 2:7)

Panalangin:

Panginoon,

Salamat sa iyong kabutihang-loob.

Patawarin mo kami sa aming mga kahinaan, sa aming magiging mapagmataas sa aming kapwa, sa aming pagiging makasarili.

Tumimo nawa sa aming puso ang iyong mga pangaral kina Jaime at Juan at sampu pang mga apostoles na maging mapagpakumbaba.

Matuto nawa kaming maglingkod ng buong katapatan sa iyong bayan na ipinagkatiwala sa amin.

Tulad ng mga apostoles, makasunod nawa kami sa iyong mga yapak upang kami ay maging karapatdapat makasama mo sa iyong Kaharian.

Luwalhati sa Ama…

July 25, 2009

James, Apostle

James, brother of John, is called the Greater” because he followed Christ before the other apostle of the same name; first of the twelve to be martyred being decapitated  by order of Herod Agrippa I, c. 44; venerated at Campostella, Spain; named in the Roman Canon; patron of Spain, Guatemala at Nicaragua. (Ordo 2009)

PAGDURUSA: NAGTUTURO NG PAG-ASA

•Hulyo 12, 2009 • 1 Puna

DSC00042

Nagdurusa ka ba ngayon?

Natatandaan mo ba ang mga pagdurusang iyong pinagdaanan?

Ano ng iyong naramdaman?

Bakit?

Mula sa iyong karanasan, ano ang paghihirap o pagdurusa para sa iyo?

Sa ating pag-iisa, hindi natin maiwasan mag-isip at magtanong . . .

Bakit may pagdurusa?  Saan nanggagaling ang mga ito?

- – - – - – - – - – -

Paano mo dinadala o hinaharap ang mga pagdurusa?

Ano ang dala ng pagdurusa o paghihirap sa iyo?

Nakaaaninag ka ba ng pag-asa?  Nagtuturo ba ito ng pag-asa?

Hindi lamang tayo ang nakakaranas ng paghihirap o pagdurusa.  Ito ay laganap sa sangkatauhan.  Anuman ang kanyang lahi, kasarian, edad, kulay, relihiyon, estado sa buhay at lipunan, ay dumaranas ng paghihirap – ito man ay pangkatawan, pangkaisipan, pangkaluluwa, at iba pang aspeto ng ating sarili.

Bakit ako pa?

Hindi na lang siya?

Pero alam mo ba na magkakaugnay ang paghihirap mo sa paghihirap ng iyong kapwa?

Sa lipunan?

Hindi kaila sa buong mundo na isa tayo sa mga pangunahing bansang batbat ng mga kalamidad na pangkalikasan: bagyo, lindol, baha, bulkan, atbp.  Bukod pa ito sa katotohanang nakatitik na sa ating kasaysayan na tayo’y isang baying dumanas ng kaapihan sa kamay ng mga dayuhan-mga Kastila, Amerikano, Hapon, at ng sariling kababayan-tulad ng nakaraang diktadura.  Batbat din tayo sa kahirapang dulot ng taliwas na sistemang panlipunan na siyang dahilan kung bakit nananatiling dukha ang nakakarami.  Sa madaling salita, sanay tayo sa hirap, dusa at sakit at hindi dahilan ang alinman dito upang hindi na ngumiti, magbiro, magdiwang at magsaya ang Pilipino.  Kahit mga dayuhan ay namamangha sa kakayahan nating magbata ng hirap at tiisin.  Madalas, may kinalaman din ito sa lakas ng suportang nagmumula sa pamilya.  Malaking tulong din dito an gating pananampalataya, lalung-lalo na ang pagdulog sa larawan ng Panginoong Jesukristo at ng Mahal na Birhen na nakikiramay sa ating pagdurusa.  Tulad ng madalas ipahayag ng ating mga kundiman, may tamis din ang magdusa hanggat’t ito’y may dahilan.  At madaling hanapan ng dahilan ng Pilipino ang kanyang mga pagdurusa.  Pangunahin na rito ang pagyakap sa dusa bilang pagsubok ng Diyos, o bilang tadhana at kapalaran.

Ngunit, bakit nga ba pinahintulutan ng Diyos na pumasok sa sangkatauhan ang pagdurusa?

Tingnan natin si Cristo.

Ito ang paalaala sa atin ni San Pablo Apoatol.

“Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus:  Na bagamat siya’y Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos.  Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.  Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin, oo, hanggang kamatayan sa krus” [Filipos 2:5-8]

Ipinakita ni Jesus ang kanyang pag-ibig at pagpapahalaga sa tao.

Ang Diyos ay hindi maaaring magdusa ngunit siya ay maaaring makiisa at makiramay sa ating pagdurusa.

Sinabi nga ni Pope Benedict VXI sa kanyang Encyclical Letter na “Spe Salvi”:

Ang pagdurusa ay bahagi ng buhay ng tao.  Ito ay bahagyang nakaugat sa katotohanang ang tao ay may hangganan, at kung gaano kabigat ang kanyang kasalanan na naipon sa mga nagdaang panahon, at patuloy na lumalago hanggang sa kasalukuyan.

Gumagawa tayo ng paraan upang mabawasan ang ating mga paghihirap / pagdurusa.

Tumutulong tayo sa ating kapwa para mapaginhawa sila mula sa mga paghihirap.  Umuunlad tayo sa larangan ng teknolohiya upang labanan ang mga pagdurusa at magapi ang mga paghihirap. Pangunahing pangangaailangan natin ito at ito ay nakaugat sa katarungan at pag-ibig ngunit gawin na natin ang lahat ng paraang magagawa para malampasan ang pagdurusa, pero ang alisin ito ay wala sa ating kapangyarihan.

Wala tayong kakayahan na tanggalin  na tanggalin ang kapangyarihan ng kasamaan, ng kasalanan na patuloy na pinagmumulan ng paagdurusa.  Tanging ang Diyos lamang ang may kakayahang gumawa nito.

Ang Diyos na pumasok sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang Tao, dumanas ng paghihirap, namatay at muling nabuhay ay nagbigay ng pag-asa ng kagalingan.  Gayunpaman, kahit naroon na ang pag-asa – hindi pa rin ito naisasakatuparan, ang pag-asa na nagbibigay sa atin ng lakas ng loob na ilagay ang ating sarili sa loob ng kabutihan kahit sa kabila ng mga kawalang pag-asa na sitwasyon, at may kamalayang ang kapangyarihan ng kasalanan ay lubhang mananatili sa ating kasaysayan.

At sa mga panahong sinusubukan nating takasan ang mga paghihirap sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga bagay na maaaring magdulot ng pagdurusa, sa mga panahong gusto nating ilaan ang sarili sa paghihirap na makamit ang katotohanan, pag-ibig, at kabutihan, sa mga panahong natatangay tayo sa agos ng buhay na kawalan, na maaaring walang pagdurusa ngunit buhay na walang kahulugan.  Hindi sa pamamagitan ng pagtakas sa mga paghihirap tayo makakasumpong ng kagalingan ngunit sa pamamagitan ng kakayahang tanggapin ang mga pagdurusa, palaguin ito at sa paghahanap ng kahulugan sa pamamagitan ng pakikipagkaisa kay Kristo, na nagdurusa na may kasamang walang hanggang pag-ibig.

Ano ang hamon sa atin?

Bigyan natin ng bagong pagtingin ang pagdurusa.  Tingnan natin ang pagdurusa sa pamamagitan ng pag-asa na nagmumula sa pananampalataya.

Paano natin haharapin ang pagdurusa na may bagong pananaw?

Tingnan natin ang isang Vietnamese martyr na si Paul Le-Bao-Tinh (+1857).

Ang kanyang sulat:

“I, Paul, in chains for the name of Christ, wish to relate to you the trials besetting me daily, in order that you may be inflamed with love for God and join with me in his praises, for his mercy is for ever (Ps 136 [135]). The prison here is a true image of everlasting Hell: to cruel tortures of every kind—shackles, iron chains, manacles—are added hatred, vengeance, calumnies, obscene speech, quarrels, evil acts, swearing, curses, as well as anguish and grief. But the God who once freed the three children from the fiery furnace is with me always; he has delivered me from these tribulations and made them sweet, for his mercy is for ever. In the midst of these torments, which usually terrify others, I am, by the grace of God, full of joy and gladness, because I am not alone —Christ is with me … How am I to bear with the spectacle, as each day I see emperors, mandarins, and their retinue blaspheming your holy name, O Lord, who are enthroned above the Cherubim and Seraphim? (cf. Ps 80:1 [79:2]). Behold, the pagans have trodden your Cross underfoot! Where is your glory? As I see all this, I would, in the ardent love I have for you, prefer to be torn limb from limb and to die as a witness to your love. O Lord, show your power, save me, sustain me, that in my infirmity your power may be shown and may be glorified before the nations … Beloved brothers, as you hear all these things may you give endless thanks in joy to God, from whom every good proceeds; bless the Lord with me, for his mercy is for ever … I write these things to you in order that your faith and mine may be united. In the midst of this storm I cast my anchor towards the throne of God, the anchor that is the lively hope in my heart.”28 This is a letter from “Hell”. It lays bare all the horror of a concentration camp, where to the torments inflicted by tyrants upon their victims is added the outbreak of evil in the victims themselves, such that they in turn become further instruments of their persecutors’ cruelty. This is indeed a letter from Hell, but it also reveals the truth of the Psalm text: “If I go up to the heavens, you are there; if I sink to the nether world, you are present there … If I say, ‘Surely the darkness shall hide me, and night shall be my light’—for you darkness itself is not dark, and night shines as the day; darkness and light are the same” (Ps 139 [138]:8-12; cf. also Ps 23 [22]:4). Christ descended into “Hell” and is therefore close to those cast into it, transforming their darkness into light. Suffering and torment is still terrible and well-nigh unbearable. Yet the star of hope has risen—the anchor of the heart reaches the very throne of God. Instead of evil being unleashed within man, the light shines victorious: suffering—without ceasing to be suffering—becomes, despite everything, a hymn of praise. (Spe Salvi 37)

Nais ko ring ibahagi ang sulat ni San Juan dela Cruz:

”God is present in my pain, my darkness, my confusion, in the misunderstanding of those whom I love, in rejections, in the difficulties of community life, in my loneliness, depressions and uncertainties of the future.  Yes, this is God’s action in my life.  I have to recognize him in all these circumstances.

Oh  my God, why is your light so dark?  Why is your presence so empty and absent?  Is it because your light is so different from any other human light taht I know, so that your light becomes darkness to me?  Is it because your presence is so different from any other presence that I know, that your presence become absence to me?

Yes, I have to face you in all darkness and loneliness because if I will run away from  them I am also running away from you.”

Sinabi pa n’ya sa kanyang panalangin:

”I have to learn to find my security in the storm, in the wind, in the hurricane, in the uncertainties and loneliness of the high seas.  I have to make this my home, truly part of me.  I am not afraid of them.  Then I become free to dance and sing int he storm of loneliness and pain because you my God have become my one and only security.

As long as I fight  back any pain, suffering or humiliation, as long as I hit back at God’s intstruments or allow others to cushion my pain, I cannot really experience a deep intense peace and inner freedom.  Unless I allow the pain to saturate me thouroughly like a sponge dipped in the ocean, i can never experience a deep intense peace and inner freedom in its depths.  So dear God, give me the courage to let go all securities and dependence as well as all forms of sufferings so that I can truly become free.

Mula sa karanasan ni Paul at John, pinahintulutan ng Diyos ang pagdurusa upang matutong tayong magtiwala sa Diyos.   Na ang Diyos ay kasama at nakikiisa sa ating pagdurusa.   Bagong pagtingin sa pagdurusa ito ay magtuturo ng pag-asa.

Ang tunay na sukatan ng pagpapakatao ay makikilala sa ugnayan ng pagdurusa at ng taong nagdurusa.  At ito ay totoo sa bawat isa at lipunan o pamayanan.  Ang lipunang hindi matanggap ang mga kasaping naghihirap at nagdurusa at walang kakayahang makiisa sa kanilang paghihirap ay isang lipunang malupit at hindi makataong lipunan.  Gayunpaman, ang komunidad na di kayang tanggapin ang mga nagdurusang miyembro at tulungan sa kanilang mga pagsubok na kinakaharap hanggat ang bawat isang kasapi ay kayang gawin ito sa kanyang sarili, sa pagpapatuloy, ang isang taong di kayang tanggapin ang pagdurusa ng kanyang kapwa kung siya mismo ay hindi nakakatagpo ng kahulugan sa kanyang sariling pagdurusa, ang daan ng pagdadalisay at paglago, isang paglalakbay sa pag-asa.  Sa katunayan, ang tanggapin ang “kapwa” na naghihirap ay nangangahulugan ng pag-ako ng kanyang paghihirap hanggang maging akin na ring paghihirap.  Dahil sa ito ay pinagsaluhang paghihirap, ang paghihirap na ito ay lumalagos sa liwanag ng pagi-ibig.  Sa pagpapatuloy, ang kakayahang tanggapin ang pagdurusa alang-alang sa kabutihan, katotohanan at katarungan ay pangunahing sangkap ng sangkatauhan, sapagkat kung ang aking kagalingan at kaligtasan ay higit na mahalaga kaysa katotohanan at katarungan, ang kapangyarihan ng malalakas ay mananaig, at maghahari ang kaguluhan at kasinungalingan.  Ang katotohanan at katarungan ay dapat nasa itaas higit sa lahat sa aking kaginhawahan at kung hindi, ang aking buhay ay isang kasinungalingan.  Sa wakas, kahit ang “oo” sa pag-ibig ay pinagmumulan ng pagdurusa, sapagkat ang pag-ibig ay nangangahulugan na pinapahintulutan kong ako ay tagpasin at masugatan.  Ang pag-ibig ay hindi iiral kung wala ang pagtakwil at pagtalikod sa sarili, at kung hindi, ito ay pihadong pagiging makasarili at gayong paraan titigil sa pagmamahal.

Sa pakikiisa sa paghihirap ng kapwa at pagdurusa para sa kapwa; upang danasin ang paghihirap alang-alang sa katotohanan at katarungan; ang magdusa na may pag-ibig at upang maging tunay na taong nagmamahal – ito ang pangunahing sangkap ng sangkatauhan, at kung itakwil ang mga ito sinisira n’ya ang kanyang sarili.  Gayunpaman, may mga katanungang lumalabas: mayroon ba tayong kakayahan nito?  Sapat na ba ang katotohanan upang ang paghihirap ay maging kapakipakinabang?  Ang pangako ba ng dakilang pag-ibig ay  mabibigyan ng katarungan ang pagbibigay ng sarili?  Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang Kristiyanong pananampalataya lamang ang may natatanging halaga sa pagdadala sa tao ng bago at malalim na kakayahan sa ganitong uri ng pagdurusa o paghihirap na tanging siya lamang ang makapagpasya sa kanyang sarili.  Ipinakita sa atin ng Kristiyanong pananampalataya ang katotohanan, katarungan at pag-ibig na hindi simpleng mithiin lamang, bagkus isang katotohanang may kabigatan.  Ipinakita sa atin na ang Diyos – ang Katototahan at ang Pag-ibig – ninais na magdusa at maghirap para sa atin at kasama natin.  Ang Diyos ay maaaring hindi magdurusa ngunit maaari siyang magdusa para sa iba.  Napakahalaga ng tao sa Diyos upang ang Diyos ay magkatawang-tao upang makiisa sa ating paghihirap sa tunay na kahulugan nito – laman at dugo – na ipinahayag sa atin sa pamamagitan ng Paghihirap ni Jesuskristo.  Mula dito, ang lahat ng paghihirap ng tao ay pakikiisa natin sa isang taong nakaranas ng paghihirap kasama natin, at dahil dito, ang pakikiisa sa paghihirap ng iba ay umiiral sa lahat ng nagdurusa, ang kasiyahan ng mahabaging pag-ibig ng Diyos – at ang tala ng pag-asa ay umusbong.  Tiyak na sa bawat pagdurusa at pagsubok tayo ay nangangailangan ng pag-asa, isang uri ng pagdalaw, paghilom ng panglabas at panloob na sugat, isang kaaya-ayang pagbabago sa gitna ng krisis at iba pa.  Sa ating munting pagsubok, munting pag-asa ay sapat na.  Ngunit sa mga nagdadala ng mabigat na pagsubok, kailangan magpasya na ilagay ang katotohanan una sa pansariling pangangailangan, trabaho at pag-aari, kailangan manindigan sa tunay at dakilang pag-asa.  Kailangan din dito ang mga saksi-martir-na inalay ang kanilang buong sarili, upang ipakita sa atin ang daan – araw-araw.  Kailangan natin sila upang tayo ay aliwin kahit sa mga payak na pagpapasya na ginagawa natin sa bawat araw – ito ang paraan kung paano isinasabuhay ang buhay na ganap.

Muli, ang kakayahang magdusa alang-alang sa katotohanan ang sukatan ng sangkatauhan.  Gayunman, ang kakayahang magdusa ay nakasalalay sa anumang uri at kalawak ang ating pag-asa sa sarili.  Ang mga banal naisabuhay ang mga paghihirap na ginawa ni Kristo sa kanila sapagkat sila ay umaapaw sa dakilang pag-asa.

Sa pagdurusa ng ating kapwa, paano tayo makikiisa at makikiramay sa kanila?

Anong konkretong halimbawa ang maari nating gawin upang maipakita ang ating pag-asa?     – ang pagtangkilik sa Pondo ng Pinoy

Ang diwa ng Pondo ng Pinoy ay nakaugat sa turo ng Ebanghelyo tungkol sa pagbabahagi o pagbibigay.

Ang batas ng Misteryo Paskwal ay sinasabing walang pag-unlad o bagong buhay kung wala pagtawid mula sa paghihirap at dakilang pag-aalay ng sarili.

Ang pondo ng Pinoy ay nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa pamamagitan ng paggawa ng maliliit na kabutihan, kung paano magdusa para sa iba at makiisa sa paghihirap ng iba.

Ang  munting pamamaraan ng Pondo ng Pinoy ay lalong pinagtibay ng pagiging bukas-palad tulad ng yugto sa pagpapakain ng limang libong tao (Jn 6:1-15).  Ang mga tao ay sumunod at nakinig kay Jesus.  Ang problema sa pagpapakain ng limang libo ay nabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tinapay at dalawang isda.  Matapos na magpasalamat si Jesus ito ay kanyang ibinahagi.  Kamangha-mangha ang ginawa ng batang lalaki na di nawalan ng pag-asa sapagkat nagtitiwala siya sa Diyos.  Marami pang himala ang di nagaganap sapagkat walang nag-aalay ng pagtitiwala sa Diyos.  Nawawalan ng pag-asa.  Subalit kung ang bawat isa ay isasabuhay ang diwa ng Pondo ng Pinoy, magpapakasakit para sa iba, matutugunan ang pangangailangan ng nakakarami.

May pag-asa ba sa beinte singko sentimos?

Ang 25 cents ay parang mumo lamang, walang silbi at walang halaga.  Ngunit kung ating pagsama-samahin, magkano kaya ang aabutin?  Hindi mahalaga kung malaki o maliit man ang ating ibibigay, kundi sa ating intensiyong magbigay.  Dahil wala itong silbi kung walang pag-ibig ang ating pagbibigay.

Muli, ang pag-asa ay depende kung gaano kalawak ang ating pag-asa sa ating sarili.  Kung nawawalan tayo ng pag-asa, maaaring hindi tayo magbibigay. Ngunit kung tayo ay nagtitiwala sa Diyos tulad ng batang lalaki, magbibigay tayo gaano man ito kaliit.

Support Pondo ng Pinoy!

Ipakita ang pag-asa sa pamamagitan ng patuloy na pagtangkilik sa pagbibigay ng beinte singko sentimos sa Pondo ng Pinoy.  Maaring magdadala sa atin ng pagdurusa ngunit ito ay daan tungo sa pag-asa.

Tulong at Gabay:

Sacred Scripture

Spe Salvi 36-39

The Gospel of Contemplation

Fullness of Life in the World [Catechesis (Pondo ng Pinoy Movement)]

Keeping Hope Alive [5th Anniversary – Pondo ng Pinoy]

CATECHIST, WHO ARE YOU?

•Hulyo 7, 2009 • Mga Puna

Who is a CATECHIST for you?

[Sino ang KATEKISTA para sa iyo?]

AKO’Y LIKHA NG DIYOS

•Hulyo 6, 2009 • Mga Puna

standin

Naranasan mo na ba ang tanungin ka ng ganito:  Sino ka?

Hu u? ang sabi ng text.

Paano mo ba ipinakikilala ang iyong sarili?
Kilala mo ba ang iyong sarili?

Sunod na itetext sa’yo: asl?
Age, sex, location pala ang ibig sabihin nito.
Describe urself…’yan ang sunod na tanong.
Hanggang ang usapan ay kung saan na napunta.
Minsan, halos wala tayong masabi tungkol sa ating mga sarili.

…mobile phone ang gamit? …nakaharap ka sa screen ng computer? Parang kulang. Walang personal touch.

Pero, tatanungin kita: Sino siya?
Halos wala kang puknat sa kasasalita. Kulang ang isang araw sa kung buhay ng may buhay ang ating pag-uusapan. Marami kang alam tungkol sa kanya.

Ganito rin ang nababasa ko sa mga balitang artista.
Puro tsismis. Sisirain ka ng mga negatibong balita na minsan wala namang katotohanan. Ang nakakainis pa rito, silang manunulat kuno ay kumikita. Samantalang ang isang taong tahimik, nawalan na ng dignidad. Masaya sila kapag nakikita kang nakalugmok sa putik. Halimbawa lamang ito ng pag-aabuso ng media.

Bakit hindi isulat ang magagandang kontribusyong naiambag ng isang tao sa isang larangan kung saan ibinibigay n’ya ang kanyang buhay? Sabihin na natin, na meron tayong nagagawang mga desisyon sa buhay natin na hindi mabuti sa paningin ng ibang tao pero, kailangan bang itsimis? Kailangan bang gawing isyu?

[Of course, ibang sitwasyon naman kapag ang isang namumuno sa ating bayan ang may katiwaliang ginawa, kailangang manindigan tayo sa katotohanan. Kung may ebidensiya, ilabas at huwag itago.]

Huwag na tayong lumayo pa. Marami kang sinasabi tungkol sa iyong kapitbahay, sa iyong kaibigan, ka-opisina, kapwa. Ang tanong, kilala mo ba siya?

Sa ganitong sitwasyon, nasaan ang pagkilala?
Kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kalagayan nila, ano ang iyong mararamdaman?
Ano ang iyong nararamdaman kapag hindi ka kinikilala? Bakit?
Kumikilala ka ba?
Paano mo ipinapakita ang iyong pagkilala?

Sino ka?. . . isang tanong na nagpapakita ng pagpapahalaga.
. . . na ikaw ay mahalaga.

Sino ka? . . . ipinakikilala natin ang ating sarili, ang ating mga katangian, talent, kalakasan, kahinaan, ang ating mga nararamdaman, kalooban at pinahahalagahan.

Naroroon ang ating pagnanais na makilala . . . magkaroon ng kakilala . . . at kumikilala.

Ano ang nagiging bunga sa iyong sarili kapag marami kang kakilala?
Sa iyong kapwa?

Paano mo higit pang mapauunlad ang pagkilala sa iyong sarili? Sa kapwa?

Nagpapakilala tayo sa isa’t-isa, pero, meron pang nagnanais na magpakilala ng kanyang sarili sa atin upang siya ay ating maging kakilala.

Sino siya?
Siya ang ating Diyos Ama.

Ama, sino ka nga ba?

Paano natin makikilala ang ating Ama?
Paano siya nagpapakilala ng kanyang sarili?
Sa pamamagitan ng paglikha o paglalang, ipinakilala ng Diyos ang kanyang sarili.

[Kumuha ng Bibliya at buksan ang Unang Aklat]
GENESIS 1:1-30

Ang ibig sabihin ng “Genesis” ay Simula.
Isinalaysay sa aklat na ito ang paglalang sa sandaigdigan, ang pinagmulan ng sangkatauhan at ang paraan ng Diyos sa pakikitungo sa sanlibutan.

Sa pamamagitan ng paglalang, ito ang unang paraan ng Diyos ng Pagpapahayag ng kanyang sarili . . . pagpapakilala ng sarili.

Pagmasadan natin ang mga nilikha ng Diyos.
Ano ang iyong masasabi sa kanyang mga nilikha?

“. . . Pinagmasdan ng Diyos ang lahat ng kanyang ginawa, at tunay ngang napakabuti ng mga iyon.”

Ano ang ipinahayag ng Diyos tungkol sa kanyang sarili?
Sa pagpapakilala ng Diyos, inihayag niya ang kanyang mga katangian, kaisipan, pagpapahalaga, plano, damdamin at kalooban.

Anong katangian meron ang Diyos? Ano ang kalooban niya?
Siya ay mabuti, may kaayusan, makapangyarihan, mapagmahal . . .

Sa lahat ng mga nilikha ng Diyos, ang TAO ang pinakadakila.

Oo, ikaw nga!
Ako ay pinakdakila sa lahat ng mga nilikha ng Diyos sapagkat ako ay binigyan n’ya ng hininga . . . ng buhay. Ipinakilala ng Diyos na ang tao . . . ako, tayo . . . ay kanyang kawangis at kalarawan.

Ano ang ibig sabihin ng kawangis at kalarawan?
Na tinataglay ko ang mga katangian ng Diyos. Tulad ng Diyos ako ay mabuti, may kapangyarihang gumawa ng mabuti, may kakayahang mag-isip at magmahal.

Suriin natin ang ating mga sarili (maikling kaahimikan).
. . . ang kalooban ko ba ay katulad ng kalooban ng Diyos?
. . . ang kaisipan ko ba ay katulad ng kaisipan ng Diyos?
. . . ang pinahahalagahan ko ba ay katulad ng pinahahalgahan ng Diyos?
. . . ang mga katangian ko ba ay katulad ng mga katangian ng Diyos?
. . . ang damdamin ko ba ay katulad ng damdamin ng Diyos?
. . . ang mga plano ko ba ay sumusunod sa mga plano ng Diyos?

Bakit ang Diyos ay nagpapakilala sa akin?
Upang maging matibay ang aking ugnayan sa kanya.
Upang maging matatag ang relasyon ko sa Diyos.

Ano naman ang aking tugon sa kanya?
Siya ay aking kikilalanin.

Ano naman ang kabuluhan nito sa akin? . . . ang kahalagahan ng ugnayang ito?
Dulot ay kaligtasan at buhay
Blessings
Masayang pamumuhay

Mahalaga sa buhay natin ang may kakilala, may kumikilala, at kinikilala. Mahalaga din na makilala ko ang aking sarili.
Ang Diyos ang unang nakakakilala sa akin. Siya ang unang nagpakita ng pagkilala sa akin. Siya ang unang nakipag-ugnayan at nakipagkaibigan sa akin upang maging kakilala. At personal ang kanyang pakikipag-ugnayan sa akin. Hindi malayo. Hindi sa pamamagitan ng text messaging. Hindi sa pamamagitan ng internet.
Kaya, makikilala ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ko sa kapwa, sa pamilya at mga kaibigan . . .
At higit sa lahat, ang pakikipag-ugnayan sa Diyos na ating Ama.

Sa pagkilala sa Diyos, makikilala natin ng lubusan ang ating sarili na . . .

TAYO AY NILIKHANG KAWANGIS AT KALARAWAN NG DIYOS, may katawan at kaluluwa. Ipinakilala ng Diyos na Siya ang Maylikha ng lahat. Nilikha Niya ang sanlibutan mula sa wala. Sa Diyos nagmula ang lahat at sa Kanya matatagpuan ang hangganan ng lahat.

Ang Diyos ay ating mabuting Ama. Dahil sa kanya tayo ay may buhay. Sa kanya tayo nagmula kung kaya tayo ay napakahalaga . . . walang kasing halaga . . .at karapatdapat na igalang . . . at kilalanin.
Anuman ang ating lahi, kasarian, edad, kulay, relihiyon, pinagmulang lugar, kalalagayan sa lipunan, kakayahan at katangian, mahirap man o mayaman, ay karapat-dapat na tayo ay igalang.

Tayo ay igagalang at kikilalanin hindi dahil sa kung ano ang ating ginawa o kung ano meron ako, kundi AKO ay isang TAO . . . may dignidad . . . may dangal.
Bawat isa sa atin ay may dangal mula pa lamang sa pagdadalangtao hanggang sa kamatayan.

Paano naman natin ipakikita ang pagkilala sa Diyos?

Dahil ANG DIYOS AY AtING AMA, SASAMBAHIN AT PAGLILINGKURAN NATIN SIYA. SIYA AY MAGIGING SENTRO NG ATING PAMUMUHAY. Sa kanya natin matatagpuan ang ating tunay na kaligayahan. . . . ito ang sinasaad ng UNANG UTOS NG DIYOS.

Ano ang Unang utos ng Diyos?
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos”
Kariniwang ipinapahayag ang Unang Utos na: “Ako ang Panginoon, ang inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Egipto at humango sa inyo sa pagkaalipin. Huwag kayong magkaroon ng ibang diyos, maliban sa akin” (Exo 20:2-3; Deut. 5:6-7)

Dahil ang Diyos ay ating Ama, tayo naman ang kanyang mga anak.
Paano tayo sasamba at maglilingkod sa Diyos Ama bilang kanyang mga anak?

Paano o kalian ako naging anak ng Diyos?

Bukod sa pagiging kawangis Niya, SA BINYAG, TAYO AY NAGING ANAK NG DIYOS. Bilang anak niya, nakikibahagi tayo sa kanyang buhay. Ito ang bagong buhay kay Kristo.

Paano ka makikibahagi sa buhay ni Kristo sa pang-araw-araw na buhay?


[sandaling katahimikan]


Bilang mga anak ng Diyos, tanda ng ating pagkilala sa Kanya, tawagin natin siyang “Ama Namin”

Panalangin:

Ama Namin
Sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para ng sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad naming sa mga nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

GURO, IPAKITA MO SA AMIN SI JESUS

•Hulyo 4, 2009 • Mga Puna

Guro, ipakita mo sa amin si JesusMeron ka bang hinahanap?

Nais makita?


Sino ang hinahanap mo?

Sino ang gusto mong makita?

Bakit mo siya hinahanap?

Bakit gusto mo siyang makita?

Ano ang ginagawa mo upang makita ang hinahanap mo?

At kung siya ay iyong natagpuan,

ano ginagawa mo?

Marami tayong hinahanap sa buhay.

Naghahanap tayo ng makakasama sa buhay.

Nand’yan ang paghahanap ng mga bagay na makapagpapaligaya sa ating buhay.

Naghahanap ng ikabubuhay.

Naghahanap ng kahulugan sa buhay.

Malakas sa atin ang paghahanap kung sino ang magpapaligaya sa atin.

Kung sino ang magbibigay ng kahulugan sa buhay natin.

Kasabay ng ating paghahanap,

ang pag-unlad ng teknolohiya.

Noon, ang isang binatang lalaki, madali n’yang makita ang hinahanap n’yang maging nobya sapagkat nandyan lamang sa kanyang tabi, ibig sabihin hindi siya malayo. Madaling abutin.  At ang babae naman ay naghahanap din subalit pakiyeme pa, kaya naghihintay na lamang na hanapin siya.  At kung walang makakita sa kanya at kung hindi siya gagawa ng paraan para makatagpo ng hinahanap, malas n’ya, maiiwan siyang mag-isa.  Naiiwang matandang dalaga.  Ganun ba ‘yon?

Siguro, di naman sa lahat ng pagkakataon.

Kapag nakita na ang kanyang hinahanap, tandaan mo, lagi siyang nakabuntot sa’yo.  At ang babae naman, pakipot pa, feeling n’ya siya lang ang babae sa balat ng lupa, feeling n’ya maganda siya, kaya pinahihirapan si lalaki sa paghahabol.  Kaya may inaabot ng siyam na taon sa pagliligawan.  O higit pa.  Ang tindi ‘no?

Pero, mas’werte iyong iba kung mas’werte nga, pinagkakasundo na ng mga magulang.  Di na naghahanap.  O kaya, iba ang naghahanap sa iyong mapapangasawa. Parang walang excitement.  Meron naman, excited yong mga magulang.  Well, may nagsasamang naging langit ang buhay at meron namang naging impierno ang kalagayan.

Hanggang nauso ang pen pal. Naghahanap ng makakapareha sa pamamagitan ng sulat.  Pareho naman nagbobolahan.  Gayunpaman, nabubuhay silang masaya sa kanilang mga ilusyon at pagbabalatkayo.  ‘yong iba, talagang nagpapakatanga kung katangahan ngang matatawag ito.  Pero, sweet naman, di ba.  Parang sugar.

Di pa nakuntento sa pen pal, nag phone pal pa. Naghahanap ng makakasama sa pamamagitan ng telepono.  Na nauuwi sa aybol.  Minsan nagiging biktima ng mga magpagsamantala.  Uuwing luhaan ang talunan.  Dahil, kapwa na sila nakaharap sa katotohanan.

Ngayon naman, naghahanap sa pamamagitan ng mga programa sa radio.  Ipapaanunsiyo pa ang paghahanap sa himpapawid.  Kaya, tumataas ang rating ng mga programa dahil marami ang nababaliw dito.  Nagbibigay ng criteria at may requirement pa.  Grabe na ‘to.

Nauso ang pager.  Nauso ang mobile phone.  Nauso ang textmate.  Kapag pudpod na ang mga daliri sa kapipindot, di pa nakuntento, tatawagan pa ang textmate.  Walang pakiaalam kung magkano ang nagastos sa load.  Walang pakiaalam kung walang tulugan.  Ang mahalaga, magkaniig ang kanilang mga boses.  Gagatungan pa ng mga may pakanang telekomuikasyon.  Kung anu-anong mga pa-promo ang ginagawa para kumita sila.  Wala silang pakiaalam sa mga adik na texters.

Huwag na nating pagtakhan kung may nakawan at patayan dahil lamang sa cellphone.  Gusto magkaroon eh.  Kumikita pa sila d’yan.  Ganyan tayo ka-suwapang sa paghahanap ng kapartner.  ‘yong iba nga, naghahanap para makalamang sa kapwa.

Di pa nakuntento sa simpleng cellphone, gusto naman magkaroon ng cellphone na may kamera o nakakatanggap ng larawan.  Ngayon, makikita mo na ang textmate mo sa cellfon mo.  Kapag di ka kursunada dahil wala kang face, wag mo nang asahan na magtextback pa sa’yo.  D’yan pa lang, kung di ka na pasado, wala ng aybol pang magaganap.  Pero, kung type naman kita, di na makapaghintay ang orasan para makita ka in person. Kung noon, lalake sa babae, ngayon p’wede na ang lalake sa lalake at babae sa babae na maging magsyota.

Gaano ba katindi ang ating pangangailangan ng kaibigan at gayon na lamang ang paghahanap ng kaibigan?

Pumasok na ang internet.  Around the world na ang friendship mo dahil sa mga social networking.  Di mo lang siya nakikita sa pictures, gumagalaw pa ngayon, dahil cam to cam na kayo.  O di ba ang sosyal na.

Eh ang hanap lang naman natin eh, kausap.  Kasama.  Kaibigan.  Eh bakit kailangan pang lumayo?  Yong mga kasama natin sa bahay, sa paaralan, sa opisina, kapitbahay, para bang malayo na sa atin bagamat katabi lang naman natin sila.

‘di ba nakakainsulto na ang kaharap mong kausap eh, natatakpan ang tenga ng headset na para bang ayaw kitang mapakinggan.  Magkadikit na nga kayo, nagsisigawan pa sa isa’t-isa.  Nagbisibisihan ka na.  Nakikipag-chat habang nagtetext habang may kausap sa phone habang nakikinig ng mga awiting sumusigaw.

Ito na ang mundo ko.  Ito ba ang bunga ng pag-unalad ng teknolohiya?  Ginawa ba ang teknolohiya para makatulong o makasira ng pagsasama?  Aminin na natin na may nasisira talagang relasyon, na nagdudulot ng kasawian ng isa’t-isa.  Ilang eskandalo na ba ang naririnig sa radyo at napapanood natin sa tv?  Dahil d’yan sa makabagong teknolohiya, hindi mo naman pag-aari, inaangkin mo.  May kaibigan ako, monthly nagpapalit ng boypren.  Nakakatawa ba?  Hanggang ngayon, single pa siya sa edad na 40’s.  Pa’no, madir n’ya ang namimili.  So, tanggalin na lang natin ang makabagong teknolohiya kung ito ang problema.  P’wede ba ‘yon?  Burahin na lang kaya natin ang tao?  Ano pa ang silbi ng teknolohiya kung burado na ang mga adik, ‘di ba?

Nagamit mo na ang lahat ng gadgets, ang tanong, natagpuan mo ba ang hinahanap mo?  Nakita mo ba siya?  Naging makahulugan ba ang buhay mo?  O may kulang pa?

Baka ikaw ang may problema.  Hindi kaya?

Speaking of paghahanap mga friends, sa darating na eleksyon, 2010, tayo ay maghahanap na naman ng mga mamumuno sa ating pamahalaan.  Ngayon pa lang, di ka na maghahanap dahil sila mismo ay kusang lumilitaw.

Nakita mo na ba ang ginagawa ng mga nakaupong opisyales sa ating gobyerno sa kasalukuyan?  Kung hindi pa, maghanap ka.  Mag-usisa ka.  Magtanong ka.

Ikaw, ano ba ang hahanapin mo sa isang kandidato?

Ako, hinahanap ko iyong may integridad.  Makatotohanan.  Tapat na maglilingkod. Marunong magsakripisyo para sa bayan.  Mabuting tao.  Maka-Diyos, Maka-kalikasan.

Isang Ehemplo.

Ayoko sa magnanakaw.  Bumibili ng boto.  Sinungaling.  Mandaraya.  Suwapang sa kapangyarihan, kayamanan at kasikatan.  Makasarili.  Walang disiplina.  Trapo.

Sa madaling salita, gusto kong makita sa mga manunungkulan sa ating bansa ay si JESUS.  Ipakita n’yo naman sa amin si Jesus.  Aba, kristiyanong bansa pa naman tayong naturingan pero taliwas yata o magkahiwalay ang ating pamumuhay sa ating pananampalataya.

Buti pa ang mga Griyego na mga pagano.  “Lumapit sila kay Felipe na taga-Betsaida ng Galilea at ipinakiusap sa kanya: Ginoo, gusto naming makita si Jesus.  Pinuntahan at sinabihan ni Felipe si Andres.  Pinuntahan naman at sinabihan nina Andres at Felipe si Jesus. (Juan 12:20-22)

Katulad ba tayo ng ilang mga Griyego na nagnanais makita si Jesus?

Nagiging katulad rin ba tayo nina Andres at Felipe na nagtuturo papunta kay Jesus?

O tayo ba ang mga taong nakaturo ang mga daliri sa ating sarili?

Mababasa rin natin sa Juan 1:35-39: Kinabukasan, naroon na naman si Juan (Bautista) at dalawa sa kanyang mga alagad.  Pagdaan ni Jesus, tinitigan niya ito at sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.”  At narinig siyang nagsasalita ng dalawang alagad kaya sinundan nila si Jesus.  Lumingon si Jesus at nakita niya silang sumusunod, at sinabi niya sa kanila: “Anong hinahanap n’yo?”  sumagot naman sila sa kanya “Rabbi (na kung isasalin ay Guro), saan ka namamalagi?”  At sinabi niya sa kanila: Halikayo at inyong makikita.”  At pumaroon sila at nakita kung saan siya namamalagi, at maghapon sila namalagi sa kanya.  Mag-iikaapat ng hapon ang oras noon.

Ano ang pagkakahalintulad nina Juan, Andres at Felipe?  Sila ang tagapagturo kay Jesus.  Hindi nila itinuturo ang kanilang sarili.  At pagkatapos na maituro si Jesus, tapos na ang eksena ng tatlo sapagkat sila ay mga ekstra lamang.  At ang BIDA ay si JESUS.

Marami sa atin ang mga umak-aktong bida.  Mga pa-pogi at ganda points.  Aminin na natin.  Tingnan n’yo mga pictures n’yo, see?  ‘Di ba, parang bida sa pelikula.

Lumabas kayo sa mga kalsada ng Metro Manila, mga higanteng billboard  ang makikita ninyo at mukha ng mga politiko, model at artista ang makikita ninyo.  Ganunpaman, nakikita ba sa atin si Jesus?  Paano ko makikita si Jesus kung nakabikini at bra ang modelo?  Walang damit pang itaas at naka-maiksi (brief) lang?  Paano makikita si Jesus sa larawan ng mga alak at sigarilyo?  Walang ibang itinuturo kundi bili kayo nito, bili kayo n’yan.

Ikaw ba ay katulad ng dalawang alagad na sinundan si Jesus?

Minsan, ganito tayo o kadalasan pa nga.  Na kapag nakita na natin ang nagpapatibok ng puso natin, talagang sinusundan natin.  Inaalam natin kung saan siya nakatira.  Hinihingi ang address, telephone / cellphone no..  May email add ba? At kung anu-ano pa ang hinihingi.  At huwag mong sabihing sa lalaki lang ito.  Sa panahon ngayon, hindi na kagulat-gulat ang babae ang buntot ng buntot sa lalaki.

Makikita natin sa dalawang alagad na naroroon ang magnanais na makilala si Jesus.  Naroron ang pagnanais na makipagkaibigan kay Jesus.

Tulad ng dalawang alagad, uhaw din tayo sa magkakaroon ng kaibigan.  Uhaw tayo na magkaroon ng kausap.  Uhaw tayo sa pakikipag-ugnayan.  Gusto nating maramdaman na tayo ay kabilang sa isang grupo.  Kasapi sa isang pangkat.  Kasama sa barkadahan.  Kaya aliw na aliw tayong mag join sa mukha-aklat, prendster at mga katulad nito.

Sapagkat, marahil di tayo napapansin.  Tinatalikuran.  Iniwanan.  Tinakasan.  Di nakaranas ng pagmamahal. Iniiwasan.  Kinatatakutan.  Di ba napakalungkot kung ganito ang ating mga karanasan.

Pero, tingnan natin ang gawi ni Jesus.  Lumingon si Jesus.  Tiningnan ang dalawa. At kinausap pa. Di ba, kapag ganito ang attitude ng iyong sinusundan, maaakit ka talaga sa kanya.  Eh pano kung, hinarap ka nga, tapos sabay sinabon at binanlawan ka pa with matching irap at sabay talikod sa’yo, ggrrrr… parang gusto mong pumatay ng tao. Ang taray di ba?  Ganyan ka ba kapatid?

Tingnan pa rin natin si Jesus… inanyayahan n’ya ang dalawa na pumasok sa bahay n’ya at may bonding agad sa unang pagkikita.  Biro mo, maghapon silang nagk’wentuhan.  Maghapong magkasama.

Ganito talaga ang mangyayari sa’yo, once na makilala mo si Jesus.  Di ka na makakahulagpos kahit magpumiglas ka pa.

Sino ba ang taong ito?

Ano ba ang meron sa kanya?

At gayon na lamang siya kahalaga sa tao.

Naranasan muna ba sa buhay mo si Jesus?

Ang kanyang pagmamahal?

Katulad ng dalawang alagad, inaanyayahan tayo ni Jesus na makipagkaibigan sa kanya. Si Jesus ay mabuting kaibigan.  Siya ay tunay at tapat na kaibigan.  Nasabi ko iyan hindi lang dahil sa naranasan ko kundi iyan ang katotohanan.  Actually, di pa uso ang cellphone, internet, website, hinahanap na tayo ni Jesus.  Siya ang unang nagpakita ng pakikipagkaibigan.  Uhaw din siyang makipag-ugnayan sa atin.  Gusto n’ya na makausap tayo.  Pero kadalasan, tinatalikuran natin siya.  Kadalasan, hindi natin siya pinapansin.  Iniiwasan.  Karanasan mo rin ‘yan di ba?

Bata pa lang ako, nililigawan na ni Jesus.  Kaya lang no pansin siya sa ‘kin.  At the age of 22 ko lang siya sinagot ng matamis na “oo”.  Kaya ako ay Katekista – Tagapagturo kay Jesus.  Tagapahayag ng Salita ng Diyos na si Jesus.  Sa ngayon, nasa ika-19 ng taon na ako sa pagiging Katekista.  At nakapagdesisyon na sa sarili na hindi na mag-aasawa.  Mananatiling “single blessedness”.  Take note, “pinagpalang nag-iisa” at hindi matandang binata.  Getz?

Alam mo, mahal na mahal ka ni Jesus.  Binigyan ka ng maraming kaibigan.  Bilangin mo ang mga kaibigan mo sa internet.  Buong mundo pa.  Pero, kasama ba dito si Jesus sa mga kaibigan mo?  Ininvite mo na ba siya?  O inaanyayahan ka ni Jesus pero di mo siya tinanggap.  Hinahanap ka rin n’ya.  Sa totoo lang, gusto ka ring makita at maging kaibigan ni Jesus.

Mahalaga ba si Jesus para sa iyo?  Kung hindi, ikaw ay pinakamahalaga sa kanya.

Kung oo, paano mo ipinapakita ang pagpapahalaga kay Jesus?

Ilang oras ka ba nakatutok sa telebisyon?

Ilang oras ka ba naka tele-babad?

Ilang oras ka ba nagpipindot?

Ilang oras ka ba nag cha-chat?

Ilang oras ka bang naka-online?

Ilang oras ka ba sa harap ng computer?

Ilang oras ka bang nasa gimikan kasama ang mga barkada?

Ilang oras ba ang inilalaan mo para kay Jesus?

O wala ka nang panahon para kay Jesus?

Naririnig mo ba si Jesus na tumatwag sa iyo?  Nag-aanyaya na makausap ka.

Na makapiling ka kahit sandali.

O hindi mo na siya marinig dahil nabibingi ka na ng mga ingay mula sa labas.

Mas gusto mo silang mapakinggan kaysa kay Jesus.

Sundan natin ang dalawang alagad.

Maghapon silang namalagi sa piling ni Jesus.

Ano ba ang ibig sabihin nito?

Nagdadasal ka pa ba?

Binibigyan mo ba ng sapat na oras ang pagdarasal?

Hindi naman maghapong pamamalagi sa prayer room ang hinhingi sa atin.

Kahit isang oras lang.  “Hindi ba kayo makapagpuyat na kasama ko na kahit isang oras lamang?” [Mateo 26:40].

Yes, kahit isang oras na pananahimik.  Isang oras ng panalanging tahimik.  “At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mong lihim” [Mateo 6:6].  Ito ang oras para maka-connect tayo kay Jesus.  Pindutin mo lang ng kanang kamay ang noo, tiyan, kaliwang balikat, kanang balikat, at Amen.  ‘Yan ang password.  Subukan mo, frendz.

Hindi natin magagawa ito kung aasa lamang tayo sa ating sarili., humingi tayo ng biyaya mula kay Kristo na ating kaibigan.

At kung bibigyan natin ng pagpapahalaga ang panalangin, magkakaroon tayo ng lakas ng loob upang masundan si Jesus katulad ng dalawang alagad.  Remember, tagasunod tayo ni Jesus.  Si Jesus ang sinusundan natin.  Hindi tayo mauuna kay Jesus.  Si Jesus ang bida.  At kung tayo ay mga tagasunod ni Jesus, siyempre, kailangan nakikita si Jesus sa ating mga sarili ng ating mga friendship.  Tulad nina Juan, Andres, at Felipe, tayo ay tapagapagturo.

Bilang mga kaibigan ni Jesus, paano mo ba siya ituturo sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng internet?

Kung naniniwala ka kay Jesus bilang isang kaibigan, paano mo pahahalagahan ang inyong pakikipagkaibigan sa isa’i-isa?

Paano mo siya ipapakita sa iyong pang-araw-araw na buhay?

Paano mo pahahalagahan ang iyong mga kaibigan?

Paano ka magiging isang tunay at tapat na kaibigan?

[katahimikan]

Panalangin:

Jesus, aking kaibigan,

Maraming salamat sa iyong paanyaya na maging kaibigan ka.

Salamat sa iyong kabutihang-loob, binigyan mo ako ng maraming kaibigan.

Nawa’y, katulad nina Juan, Andres at Felipe, ay maituro rin kita sa aking mga kaibigan.

Nawa’y, katulad ng mga alagad, maging masigasig ako sa paghahanap sa iyo.

Upang higit pa kitang makilala.

At maipakita kita sa aking kapwa sa pamamagitan ng aking mabubuting salita at gawa.

Amen.

Purihin ang Panginoon!

•Hunyo 28, 2009 • Mag-iwan ng Puna

Sumaiyo nawa ang pag-ibig ng Panginoon!