About

dagos tabi Dagos Tabi ay mga salitang bicol na ang ibig sabihin ay tuloy po.  Obviously, ang may akda ay isang bicolano.  Mula sa baryo na tinaguriang black sand beaches – Sogod, na matatagpuan sa bayan ng Bacacay, nasasakupan ng lalawigan ng Albay.

Dagos Tabi . . . isang paanyaya na nagsasaad na halika, tuloy ka, matapos mong kumatok at buksan ang pinto ng blog na ito.

Dagos Tabi . . . tuloy ka sa aking kalooban hindi para makilala mo kung sino ako kundi sa iyong pagpasok sa aking loob ay maituro ko sa iyo ang isang nakakikilala sa’yo na nagnanais na makilala mo siya.  Sapagkat, ang makilala mo siya at handa kang pasakop sa kanya ay makabubuti para sa iyo.

Dagos Tabi . . . narito si Jesus.  Siya ang Liwanag!.

Dalangin ko’y nawa’y magkaroon ka ng personal na ugnayan sa kanya kahit sa maikling panahon ng iyong pananatili sa silid na ito upang sa iyong paglabas ay dala-dala mo siya sa iyong sarili at maaari mo ring ibahagi para sa iba.

Dios mabalos . . . salamat po!

Mga Puna
  1. lhen8 ay nagsabing:

    Dios mabalos…. halika tuloy ka rin sa pook sapot na aking bagong natagpuan din…. mangyari lang ay pahintulutan akong ihanay ka sa aking bagong bahay…dito sa wordpress…
    isa akong katekista…. nagtuturo sa mga paslit at kabataan patungkol kay kristo…

  2. arthurofthechildjesus ay nagsabing:

    salamat kapatid.
    ikaw ba ay katekista ng catechetical foundation of the archdiocese of manila?

  3. lhen8 ay nagsabing:

    isa lamang akong boluntaryo na katekista sa parokya ng san francisco javier… na pinag aral nila sa DE LA SALLE university noong taong 1998-catechetical course sa cetrel ng DLSU… kya e2 nagpapatuloy tugunin ang panawagan ng diyos….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s